Filtered By: Showbiz
Showbiz

Toni Gonzaga belies rumor about sexual preference


"You don't have to have a boyfriend just to prove that you're not a tibo," Toni Gonzaga says, dismissing talk that she is a lesbian. "As long as you are comfortable with yourself and you know the truth, di mo kailangang mag-boyfriend para masabihang di ka tibo." Sa panayam ng The Buzz kay Piolo Pascual kamakailan ay inamin ng matinee idol na inihinto na niya ang panliligaw kay Rica Peralejo dahil idinenay siya diumano ng sexy actress. Bunsod nito, marami ang nagtatanong kung kailan naman kaya aaminin ni Piolo ang ginawa niyang panliligaw kay Toni Gonzaga noon? Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Toni sa backstage ng ASAP last Sunday at natanong kung bakit hindi pa rin maamin-amin ni Piolo na nanligaw ito sa kanya. "I don't know. Siguro si Piolo na lang ang tanungin ninyo kasi di ko rin alam. Kaya nga ako ayokong mag-comment ‘pag tinatanong ako about things like that. ‘Pag tinanong ako if a guy is courting me or not, hinahayaan ko na lang na yung guy ang sumagot kasi mahirap din namang ma-deny ka, di ba?" paliwanag ng young actress-singer-TV host. Samantala, marami naman ang nagulat sa pag-amin na ginawa noon ni Toni na sa lahat pala ng lalaking na-link sa kanya ay kay Vhong Navarro lang talaga siya nagkaroon ng special feelings. Isang espesyal na damdamin na para raw kay Toni ay hindi na mawawala sa kanya. Posible kayang sa bandang huli ay sila rin pala ni Vhong ang magkakatuluyan? "Di nawawala yun. Vhong will always have a place in my heart. Di ako magsasalita nang tapos, pero tingnan na lang natin. I'm not closing my doors to anyone," sagot niya. Sa pag-amin ni Toni ay lumabas na mas nakahihigit pa pala si Vhong kumpara kina Piolo, Luis Manzano, at Sam Milby. Ang tatlong matinee idols ay pawang nagpahayag ng kanilang damdamin kay Toni. Ano nga ba ang espesyal kay Vhong na hindi nakita ni Toni sa di hamak na mas gwapong mga lalake na nanligaw sa kanya? Ani Toni, "Ay naku, mas mataas pa siya sa mga yun! Me and Vhong kasi, way, way back pa... He's really the one who became one of my closest friends even before I transferred here in ABS-CBN." Dagdag pa niya, "Marami na kaming pinagdaanan in terms of friendship. Like, yung mga problems niya before, yung mga love problems niya. Ako naman, yung mga nagiging crush ko, alam niya ‘yan." Sa lalim ng pinagsamahan at kakaibang closeness nila ni Vhong, hindi ba siya natatakot na baka pagselosan siya ni Desiree del Valle na girlfriend ngayon ng comedian? "Ay hindi! Des and I, actually di kami ganung ka-close, but we are acquainted. We say hi and hello every time na nagkikita kami. We're very casual and given the chance, I'd love to know her more. She's a very special girl and I respect the woman na minamahal ni Vhong," sabi ni Toni. Sa kabila ng dami ng mga manliligaw kay Toni at sa patuloy na pambabasted niya sa mga ito ay hindi na pagtatakhan kung mapagkamalan na tibo, o kabilang sa mga Adan na nakatago sa katawan ni Eba ,si Toni. "Maraming nagsasabi niyan," pag-amin ni Toni. "For me kasi, you don't have to have a boyfriend just to prove that you're not a tibo. As long as you are comfortable with yourself and you know the truth, ‘di mo kailangang mag-boyfriend para masabihang di ka tibo," paliwanag niya. Sa ngayon ay may pelikulang tinatapos sa Star Cinema si Toni kung saan makakatambal niyang muli si Sam after the blockbuster hit You Are The One. Kasama rin nila rito ang model-turned-actor na si Zanjoe Marudo. "Tinatapos na namin yung movie. Okay naman, may mga stunts kami dahil policewoman ako dito. Same people na gumawa ng You Are The One ang kasama ko dito kaya masaya," nakangiti niyang pahayag bilang pangwakas. - Philippine Entertainment Portal