Filtered By: Showbiz
Showbiz

Hope had affair w/ James 'Big Bird' Yap


May exclusive interview ang Startalk kay Hope, ang former Belo Medical Group employee na itinuturo na ugat ng away ng mag-asawang Kris Aquino at James Yap. Taliwas sa unang ulat na live interview ang gagawin ng Startalk kay Hope, kahapon, February 20, in-interview ni Lolit Solis ang dating empleyadong nurse ng Belo Medical Group. Mapapanood ang nasabing interview sa darating na Sabado, February 24. Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na inamin ni Hope kay Lolit na totoo ang tsismis na nagkaroon siya ng relasyon sa asawa ni Kris. Nagsimula diumano ang kanilang relasyon noong March 2006 at natapos nito lang January 2007, nang matanggal si Hope sa trabaho dahil nalaman ng management ang sikreto nila ni James. Ang may-ari ng Belo Medical Group ay si Dr. Vicki Belo, na kilalang malapit na kaibigan ni Kris. "Big Bird" ang code name ni Hope para kay James at ipinakita niya sa Startalk ang mga litrato nila na magkasama. Ipinabasa rin ni Hope ang mga text message na ipinadala sa kanya ng asawa ni Kris. Pinabulaanan din ni Hope ang haka-haka na buntis siya. Inaasahan na aabangan ang paglabas ni Hope sa Startalk dahil explosive ang kanyang mga rebelasyon. Nakiusap lang si Hope na huwag ipakita sa harap ng TV camera ang kanyang mukha dahil bukod sa dalaga siya, walang kamalay-malay ang magulang niya tungkol sa naging relasyon niya kay James. Ang paglantad ni Hope ang kumpirmasyon na babae at hindi ibang isyu ang dahilan ng problema nina Kris at James. Noong nakaraang linggo, humingi ng tawad si James kay Kris sa The Buzz, isang malinaw na pruweba na inamin niya ang pagkakasala sa kanyang asawa. - Philippine Entertainment Portal