Filtered By: Showbiz
Showbiz

Hope wishes Kris will forgive


Finally, Hope Centeno, the self-confessed inamorata of James Yap, was seen on the boobtube on S-Files, Sunday. Hope repeatedly asked for Kris’s forgiveness, for her family’s understanding and for the public’s mercy. Hope may have failed to articulate what the golden rule was all about, but she was able to express the saying in different ways when she asked for Kris’s forgiveness. While Hope said sorry to Kris, she said that Mrs Yap perhaps also knew what she was feeling when this dishonorable thing came out in public. “Alam ko nararamdaman mo din yung nararamdaman ko…Nangyari din sa’yo no’n, itong nangyayari sa akin," Hope told Kris on television. Asked by Lolit Solis to elaborate, Hope said: “Yung kay Miss Alma tsaka kay Mr. Joey. Sila pa rin naman no’n, di ba? Tapos yung sa girlfriend ni James na nabuntis niya, buntis na siya no’n, tsaka lang naging sila." Hope was referring to the relationship that Kris had with Joey Marquez, when the latter was still married to Alma Moreno. The second thing that Hope mentioned was about rumors that James had a pregnant girlfriend when Kris came to his life. There are different ways of saying the Golden Rule: Do unto others as you would have them do unto you. What you do not wish upon yourself, extend not to others. Hurt no one so that no one may hurt you. This love tale, if people could call it that, may continue for weeks, or even months, with the possibility of upstaging the campaign for the May polls. May be, it is worth finding out if Hope, later in her life, would learn how to respect and love herself first, before believing that she indeed loved and continues to love a married man. Here’s the full interview of Hope with S-Files’ Lolit Solis: Na-in love ba sa iyo si James? Naramdaman ko po. Yung sa month na ‘yon na nagtatawagan kami, nagkikita kami, naramdaman ko po yon na minahal din niya ko. Nag-start mong makilala si James, March? Opo June, lumabas na kinasal na sila ni Kris Aquino. Paano mo naramdamang mahal ka ni James? Sinasabi ba niya? Sinasabi po niya sa akin. May mga binibigay ba sayong regalo si James? Nagbigay lang po ng chocolate, flowers, ganon lang po. Sinasabi tuwing Lunes kayong nagkikita. Opo Martes, Miyerkules, Huwebes, hanggang Linggo, hindi kayo nagkikita? Magka-text kami po ng mga times na ‘yon. Nagtatawagan kami. Pero nakikita mo rin siya in between? Oo Pinupuntahan ka niya doon sa pinagtatrabahuhan mo? Opo. So gaano, yung extent ng relasyon n’yo bago ito nahinto? Huminto na ba? January 15 po kami last na nagkita at nag-usap. Ang sa akin lang naman, sana, nung lumabas na itong isyu na ito, yung tungkol sa amin, sana tinawagan man lang niya sana ko. Palagay mo, paano nadiskubre ni Kris yung relasyon n’yo ni James? Meron daw po kasing nagsumbong. Kasi…buong….yung mga office mates ko…alam na ng lahat…yun sa dati kong pinagtrabahuhan. Kaya po ako natanggal sa trabahong ‘yon, dahil nalaman na ng management. Buntis ka ba, Hope? Di ko pa po alam. Kung sakali, anong gagawin mo? Halimbawa ngang buntis ka, anong gagawin mo, ngayon at wala na si James? Papalakihin ko siyang mag-isa. Papalakihin ko siya kahit wala siyang ama. Mamahalin ko siya. Itutuloy ko. Anong message mo kay Kris Aquino? Para po kay Kris, nagso-sorry po ako. Humihingi ako ng pang-unawa. Alam ko, nararamdamin mo din yung nararamdaman ko. Nangyari din sayo no’n, itong nangyayari sa ‘kin. Kung mas may nasasaktan man ngayon at nawalan ng kredibilidad, ako po ‘yon. Ano yung sinasabi mong nangyari na rin it okay Kris before? Yung kay Miss Alma tsaka kay Sir Joey. Sila pa rin naman no’n di ba? Tapos yung sa girlfriend ni James na nabuntis niya, buntis na siya no’n, tsaka lang nagging sila. So sana man lang, wag akong husgahan agad. Kung natanggap man nila si Kris no’n, napatawad nila, sana po gano’n din ako. Anong sinasabi ng pamilya mo sa’yo Hope? Nung una po, galit na galit talaga sila. Bakit nga daw po nagkagano’n. Pinalaki po ako ng magulang ko ng maayos. Pinag-aral ako. (Sobs…) Sa tingin mo, ano magiging kapalaran mo ngayon, na alam na ng lahat ng tao kung ano nangyari sa’yo? (Crying) Yun po ang hindi ko alam kung…makakahanap pa ko ng trabaho. Kasi sinira nap o nila ako eh. Ang nagging kasalanan ko lang, nagmahal…minahal ko si James, kahit na alam kong may asawa na siya, kahit na alam kong mali. Sana lang po, hindi nila ko hinusgahan ng ganon ganon na lang. Na sinasabi nilang (****) ako, na stalker ako…. May mga balitang, isa ka daw babaeng mababa ang lipad…na matagal mo nang pangarap na … Hindi po. Katunayan po n’yan hindi ko siya gusto. Pinakilala lang siya sa akin ni Elize. Tapos, pag nagpupunta siya do’n, tinatawag ako si Elize…sa room. Yun naman lahat eh…yung gumagawa sa kanya. Alam nila ang buong kwento, pero ayaw nilang magsalita, siguro natatakot sila, siyempre, mawawalan sila ng trabaho. Meron ba siyang(James) sinasabi tungkol sa mga problema nila ni Kris? Meron po. Everytime na nag-aaway sila ni Kris, tumatawag siya sa kain. Sinasabi niya na nag-away na naman kami. Sabi niya pag nag-aaway daw sila, nabe-break sila. May reaksyon ka bas a sinabi ni Kris na hindi siya papayag na siraan mo ang pamilya nila? Unang una po, hindi po ako naninira ng pamilya. Ang sa akin lang kasi, na-inlove lang talaga ko sa kanya. At humihingi ako ng patawad. At nililinaw ko na tapos naman na sa amin ang lahat. Sana naman, magsalita na sila at tapusin na nila ito. Ano sa palagay mo ang mangyayari sa buhay mo ngayon? Yun nga po eh. Sigurado na sila sa future nila. Siyempre, Kris Aquino yin eh tasaka James Yap. Pero ako, hindi ko alam kung ano mangyayari sa future ko. Basta ang gusto ko lang po ngayon, malinis ko yung pangalan ko. Di ba sabi mo, nagalit ang Tatay mo sa’yo dahil sa nangyaring ito, sa palagay mo, bakit siya nagalit? Apektado ba buong pamilya mo? Apektado po. Kasi sila lahat ang nakakabasa lahat ng mga write ups…ganon. Kaya sobrang nasaktan sila sa mga akusasyon laban sa akin na hindi naman totoo. Para po sa kanila, gusto ko pong humingi ng tawad at pang-unawa pos a mga magulang ko dahil nasaktan kop o sila. Pinagsisisihan mo bang mga nangyaring ito? Hindi po. Umiiyak po siya. Eh ba’t hindi ka nagsisisi, naapektuhan ang pamilya mo? Kasi po ginusto ko rin ‘yun eh. Umibig ka? Minahal ko siya. Anong special qualities ni James? Si James kasi malambing…sobrang lambing. Tsaka lagi siyang nagte-text, tumatawag, sa akin kahit hanggang madaling araw. Gusto ko lang pong magsalita tungkol sa sinabi ni Mr. Boy Abunda na walang kasalanan sa akin si Kris. Opo, wala po siyang kasalanan sa akin. Kaya nga po ako yung humihingi ng patawad sa kanya, dahil nasaktan ko siya. Pero hindi ko po ‘yun sinasadya Hindi mo sinasadya….kaya tuloy sinugod sa ospital si Kris, ano masasabi mo tungkol do’n? Yun pong nangyari kay Kris, pwede rin pong mangyari sa akin ‘yon, kasi hindi pa ko sigurado kung buntis ako ngayon. Kung pati kay Kris, dapat meron din po kayo (concern) sa akin. Sa palagay mo, ikaw ang biktima rito Hope? Opo. Sinasabi mong mahal mo si James, pa’no kung sabihin sayo ni James na never ka niyang minahal? Masakit po para sa akin. Pero…wala nap o akong magagawa siguro. Sa palagay mo, sa tagal ng pagsasama n’yo ni James kahit papano, na-feel mo bang maligaya siya sa piling ni Kris? Yung total na happiness? Hindi po 100 percent na maligaya siya. Kasi nung time na ‘yon, na naging kami…ah, hindi pa kami no’n, nagte-text siya sa akin, tumatawag, nagsasabi ng mga problema, naaawa ako sa kanya. Kasi, yung mga kuwento niya na palagi silang nag-aaway, kahit maliit na bagay lang, nag-aaway sila, naaawa ako sa kanya non’n. Hanggang sa tumagal,tagal, na-inlove ako sa kanya. Kasi ang pagkaka-alam ko, kung masaya ka sa isang babae, sa asawa mo, hindi ka maghahanap ng iba. Kasi ako naman, nakikinig lang ako sa kanya, kung ano yung gusto niyang ikuwento sa akin, yun lang po. Anong eksaktong reaksyon mo , nung nalaman mong kasal na sila? Narinig ko lang po yun sa The Buzz, yata yun, nung sinabi ni Kris na kasal na sila. Inaamin ko po nasaktan ako, kasi mahal ko na siya no’n. Pero hindi ako nagtanong kay James ng kahit na ano. Wala naman siyang sinabi? Wala po siyang sinabi. Hindi niya sinabing napilitan lang siya…? Hindi naman po. Ang sinabi niya, mula ng ikasal siya, hindi na daw siya nakakalabas, hindi na siya nakakapunta kung saan-saan na kasama ang mga barkada niya. Ilan kayong magkakapatid Hope? Walo po. Bakit sa tingin mo, lumabas yung balitang isa kang mumurahing babae? Siguro dahil maraming nanliligaw sa akin….Kasi pinagkakatiwalaan ko siya (referring to her friend who divulged Hope’s secret affair with James). Ang pagkaka-alam ko sobrang close kami, alam niya lahat ang nangyayari. Tapos ngayon binaliktad niya ko. Anong message mo dun sa dati mong mga kaibigan na ngayon ay nagsasalita naman laban sa’yo? Sa kanila po, sana kung tunay ko silang kaibigan, sana hindi na lang sila magsalita. Kasi trinaydor nila ako. May galit ka pa kay James? Mahal mo pa rin siya? (Nods) Kay Kris anong message mo? Sana maunawaan niya ako at sana mapatawad niya ko, dahil pareho lang din naman kaming babae, na naranasan ding magmahal sa maling lalake. - GMANews.TV