Pinoy actor nag-uukit ng pangalan sa Hollywood
03/23/2007 | 11:53 AM
May isang Filipinong nag-uukit ng pangalan bilang aktor sa Hollywood.
Ginagampanan niya ang papel bilang Tai Huan sa pelikulang “Pirates of the Caribbean, Part 3."
William “Bill" Kim naman ang kanyang katauhan sa Fox network hit series na “Prison Break."
Sa kanyang pisikal na anyo, hindi mo aakalain na ang tsinito at machong actor na ito ay isa palang Pinoy. Siya si Reggie Lee, sa Quezon City isinilang pero sa Estados Unidos na lumaki.
Aminado si Reggie na ang itsura niya ay hindi tipikal na Pinoy na kayumanggi ang kulay at may bilugang mata. Madalas nga ay napagkakamalan siyang isang Chinese, lalo na at marunong siyang magsalita ng Cantonese.
May kaputian ang kanyang balat at tsinito ang mata. Bagay na kahit papaano ay kanyang ipinagpapasalamat dahil sa mga papel na kanyang ginagampanan sa mga pelikula…at nagbigay daan upang makilala sa Hollywood.
Sa ulat ni Joseph Pimentel na lumabas sa Asian Journal, sinabi ni Reggie na bihira siyang makakuha ng pepel ng isang Filipino. Kadalasang papel ng isang Koreano o Chinese ang kanyang nagagampanan, ayon sa kanyang fan website
Sa “Pirates 3" movie, gagampanan ni Reggie ang papel bilang sidekick ng sikat na Chinese actor na si Chow Yun-Fat, ang kontrabida sa pelikula bilang si Captain Sao Feng.
Kuwento ni Reggie, bihira din naman na may karakter ng Pinoy sa mga Hollywood movies o kahit sa mga TV series kaya malaking tulong na rin sa kanyang career ang pagkakaroon ng itsurang Chinese.
Gayunman, hindi ikinakaila ni Reggie ang kanyang pagiging Filipino. Katunayan, marunong siyang magsalita ng Tagalog at Cantonese .
Nagsimulang umarte si Reggie sa mga community play sa Ohio. Nang malipat ang kanyang pamilya sa Los Angeles noong 1991, lalong sumidhi ang pangarap niyang makita ang sarili sa big screen kahit pa tutol ang kanyang magulang.
Tanda pa ni Reggie kung paano siya tinawanan ng mga magulang nang ipaalam niya ang kanyang plano na mag-artista. “They told me acting could be a hobby but not a serious profession," pahayag niya sa Asian Journal.
Tulad ng tipikal na Pinoy parents, nais ng mga magulang ni Reggie na magtapos siya ng pag-aaral. Kaya naman ang kumbinsihin ang kanyang mga magulang sa kanyang pag-aartista ang isa sa pinakamabigat na parte raw ng kanyang buhay.
Pero nasa dugo talaga ni Reggie ang pag-arte. Sa kanyang fan website, sinabing nagsimulang umariba ang kanyang career sa pag-arte sa LA sa pamamagitan ng mga musical play kagaya ng Heartstrings at pagkatapos ay Miss Saigon.
Nasundan ito ng Broadway play kung saan kasama siya sa cast ng original company ng Tony Award-winning musical, Carousel.
Noong 1997, tinanggap ni Reggie ang Dramalogue Critics Award para kanyang pagganap sa F.O.B. sa East West Players. Kasama rin siya sa produksiyon ng Carry the Tiger to the Mountain.
Mula sa mga stage play, ang telebisyon naman ang sumunod na misyon ni Reggie. Lumabas siya sa ER, Ellen Again, Strong Medicine, Mad About You, Walker Texas Ranger, Diagnosis Murder, Chicago Hope, Beverly Hills 90210, Babylon 5, Party of Five, Blind Justice, Night Stalker, at iba.
Taong 2005 nang mapasama siya sa cast ng “Fast and the Furious" bilang kontrabida kay Vin Diesel.
“It was kind of a real slow time. I hadn’t worked in about nine months. I had done ‘Fast and the Furious’ and a few guest appearances in a series for Fox [network] then Pirates of the Caribbean 3 came to me," masayang kuwento niya sa Asian Journal.
Sabi ni Reggie, masaya siya sa kanyang ginagawa at hindi siya nagsisisi sa propesyong kanyang napili. Maging ang kanyang mga magulang ay natutuwa umano sa kanyang naabot bilang isang aktor sa Hollywood.
“Now I’m an actor, my younger brother is an artist, and my youngest brother is a musician…. My dad will be the first person to say I am so glad I didn’t become a doctor because I’m doing what I love. Needless to say, they are pleased at what we do," dagdag ni Reggie.
Payo ni Reggie sa mga kapwa Pinoy, gawin ang kanilang gusto dahil maigsi lang ang buhay para sayangin sa loob ng opisina.
Alam umano niya na maraming Pinoy ang nais mag-artista ngunit nagdududa sa kanilang kakayahan.
“I wouldn’t be doing this interview if I didn’t think there were a bunch of Filipinos out there wanting to be actors that don’t think they can do it, who go through the same childhood things I went through with their parents telling them their going to be a doctor or some other profession," pahayag ni Reggie sa Asianjournal. - Fidel Jimenez, GMANews.TV