Filtered By: Topstories
News

Unang babaeng senador


Miyembro ng Liberal Party (LP) at mula sa lalawigan ng Pangasinan ang unang babaeng senador na nahalal sa Pilipinas noong 1947 elections--siya si Senadora Geronima Pecson. Nakamit ni Pecson ang puwesto bilang ikatlo sa mga kandidatong senador noong 1947 elections na nakakuha ng pinakamaraming boto (1,559,511). Kasunod niya sina Vicente Madrigal (1,562,825 boto) at Lorenzo Tanada (1,570,390 boto) na kapwa kasapi rin ng partidong LP. Sa senado, pinangunahan ni Pecson ang Senate Committee on Education, Senate Committee on Health and Public Welfare, at Joint Congressional Committee on Education. Miyembro rin siya ng makapangyarihang Commission on Appointments at Senate Electoral Tribunal. Malaki ang partisipasyon ni Pecson sa pag-apruba ng mga batas tulad ng Free and Compulsory Education Act of 1953; Vocational Education Act; batas sa pagbuo ng training facilities sa National School of Arts and Trades; at batas upang ideklara ang College of Forestry sa University of the Philippines. Noong 1953 presidential elections, muling tumakbong senador si Pecson ngunit natalo ito kasama ang lahat ng kandidato ng LP kabilang na ang kanilang presidential candidate na si Elpidio Quirino na yumuko kay Ramon Magsaysay ng Nacionalista Party. - GMANews.TV

Tags: pinoytrivia