Filtered By: Topstories
News

(Episode 2) Transcript, part 2: Isang Tanong, May 6, 2007 episode


MIKE E: Narito po ang susunod na grupo ng mga senatoriables na kikilalanin ngayong gabi dito sa isang tanong. Award winning actor, director at producer ng mga pelikula. Isa rin pong commissioner para sa Philippine Culture and Arts ng Unesco, Cesar Montano. Kilalang Marcos loyalist, abogado, Oliver Lozano. Siyam na taong nanungkulan bilang kinatawan ng lalawigan ng Surigao Del Sur, mula sa Team Unity, Prospero “Butch" Pichay. At sa puntong ito tatawagin ko na po ang kandidato natin para sa grupong ito at unang-una pong uupo sa hotseat ay si ginoong Cesar Montano (VTR Interview) Cesar: Ang father ko kasi is, pinahirap ang buhay sa amin eh, sabi nya the easiest way to make life difficult for your children is make it easy for them. So pinahirap nya yung buhay kaya ngayon madali ang buhay para sa akin. So I’m very very thankful im doing the same thing to my children. Arnold: Isang tanong namin sa’yo eh anong position mo sa charter change na kung matutuloy ito, posibleng mabuwag ang senado. Eh yun yung tinatakbuhan mo sa position yung institusyon na iyong paglilingkuran. Cesar: Unang-una, kung matutuloy yan dapat eh hindi dapat magbenepisyo yung mga gagawa ng batas. Yung mag-aamenda at ang batas na yan eh para sa tao. At pangalawa, napakalaki ng gagastusin dyan na pera at isipin natin dapat kung ano yung mga prayoridad na dapat pagtuunan ng pansin para gastusan. Sa malaking pera natin dito sa sambayanan natin, marami tayong mga immediate needs. Ito ba ay makakabuti ba para sa tao ang charter change na ‘to? Kailangang kailangan sila ang mag benepisyo ng malawakan ang sambayanan para sa gagawin na ito. Arnold: Ok may dagdag na tanong ang ating kasama po na si Glenda Gloria po ng Newsbreak. Glenda: Magandang gabi po Mr. Montano. Cesar: Magandang gabi po. Glenda: Ang issue tuwing election ay itong napakamahal na pangangampanya. Siguro naranasan mo na rin ‘to ang mga kandidato kagaya mo ay dapat kailangan mag-raise ng milyung-milyong pera para lang mahalal lang sa taong bayan. Pero may batas din na nag-oobliga sa’yo na bilang kandidato, para pangalanan ang mga campaign donors, at alam ng lahat na ikaw ay isang suportado ng Team Unity at ng administrasyong ito. Alam mo ba Mr. Montano kung saan at kanino galing ang pondo ng Team Unity sa ngayon? Cesar: Apparently po yan ay galing sa mga sumusuportang mga businessman na merong parehong adbokasiya na naniniwala po sa adbokasiya ng Team Unity. Pero para sa akin po yan po ay matagal ko ng sinasabi nung una pa na ang pera pong yan ay napakalaki na gagastusin sa election. Pag-usapan po natin itong senatorial election po, bilyon po ang gagastusin kung iipunin po nating lahat ang mga kasali dito. Ang sabi ko nga po kung ito po ay ibibigay natin sa sambayanan, dun sa immediate needs ng mga tao marami po, Gawad Kalinga 50,000 pesos lang isang bahay. Pumunta ka sa bawat hospital maraming namamatay na baki’t? dahil walang gamot. Isang bilyon ito bawasan mo lang ito ng kahit na anong porsiyento maitutulong mo na kaagad. Yung adbokasiya naming lahat na gusto naming tumulong sa sambayanan eh di nagawa na. Tutal kung babawasan yan, kami-kami pa rin ang magkikita may matatalo may mananalo pa rin pero ang siguradong panalo, taong bayan kung gagawin natin yan. Arnold: Maraming salamat Cesar. Ngayon naman po ang tatawagin natin si Atty. Oliver Lozano ng KBL. (VTR Interview) Atty. Lozano: Ako ay palabiro. ‘Pag meron lang akong makitang magandang dalaga kaano si Claudine Baretto o si Juday, ‘pag nagtawanan yung kanyang ngiti yung binibiro mo ay babalik sa’yo nakakapawi ng pagod yun nagkakaroon ng kasiyahan. Arnold: Yung isang tanong po namin na tinanong po namin kay Cesar, ano po bang position nyo sa Charter Change? Na kung magpapatuloy ito at mauupo ka sa Senado ang resulta eh mabubuwag ang Senado. Atty Lozano: Kaya nga hindi ako papayag sa charter change. Sayang naman itong pangangampanya namin dahil naniniwala kami na sa presidential system walang problema. Ang problema ay yung mga nanunungkulan sa gobyerno. What we need is not charter change but character change. Arnold: Maraming salamat po Atty. Lozano, may tanong po ang aming kasama sa GMA News and Public Affairs si Howie Severino. Howie: Magandang gabi po. Atty. Lozano: Magandang gabi po. Howie: Pag sinabi pong Oliver Lozano ang naiisip po ng mga political observer ay hindi alam kung ano talaga ang agenda ninyo o kanino kayo talaga nakakampi. Ang pinuno mismo ng partido ninyo ng KBL si Governor Ferdinand (Bongbong) Marcos ay hindi po nag-endorso sa inyo. So ang tanong ko sa inyo, bakit kayo dapat paniwalaan ng mga botante? Atty. Losano: Mali po yung premise nyo po eh. Bongbong is not the president of the KBL, the ruling of the Comelec is, the president is Atty. Vicente Millora. Yung negative pronouncement ni Bongbong ay isang political statement lamang sa isang political game. Walang following si Bongbong sa loyalist kaya nung nag-pronounce ng negative statement, lalong umigting at dumami ang sumuporta kay Lozano at mga kasama sa KBL senatorial slate. Ang nagsu-support sa amin sa pamamagitan ng organized political… ay yung friends of Imelda Romualdez Marcos. Arnold: Maraming salamat po ginoong Lozano. At ah susunod naman po sa ating hotseat walang iba kundi si Congressman Prospero “Butch" Pichay. (VTR Interview) Pichay: Kung may isang taong sikat na gusto kong makausap siguro si Marcos at tatanungin natin kung bakit dun sa bandang dulo ng kanyang administrasyon, nung sya’y magkakasakit na ay hindi po na-sustain yung ano, yung ating growth ng ating bansa. Arnold: Congressman ang tanong po namin, isang tanong eh yung position mo sa charter change na pwedeng magresulta sa abolition ng senate. So bakit ka tumatakbo dun sa institution na pwedeng mawala? Pichay: Well itong halalang ito lalong na-strengthen po ang paniwala ko na dapat talagang baguhin ang ating Saligang Batas. Dahil nakikita ko sa sistemang tatakbo ang isang kandidato pagka-senador eh wala na pong pag-asa yung magagaling na mahihirap na maging senador. Kaya as far as my stand is concerned hindi po magbabago yung panindigan ko dyan, kailangan talaga ire-visit natin yung ating constitution. But this time siguro dahil ang Saligang Batas naman ay batas ng tao, let us have a massive consultation. Ibig sabihin dapat (mag)punta tayo sa bawat probinsya, kung pwedeng bawat bayan kunsultahin natin sila. Dahil after all eh sila din naman ang boboto kung papayag sila o hindi eh, di tanungin na lang natin kung gusto nila ng charter change o hindi. Kung gusto nilang i-abolish ang senate, kung gusto nila na parliamentary system of government, but personally of you’ll ask me, talagang hindi po magbabago yung panindigan ko. Ito nga, itong halalan na ito napapatunayan na talagang mahirap, walang pag-asang maging senador maraming maraming salamat po. Arnold: May karagdagang tanong po ang ating kasama sa GMA News and Public Affairs po si Ms. Jessica Soho Jessica: Isang tanong po congressman-senatoriable Pichay, nakita ko po sa inyong resume na kayo po ay publisher o naging publisher ng ilang babasahin katulad po ng mga tabloids. Ang tanong ko po ay, kayo po ba ay pabor na pag-usapan sa media maging ang mga personal na bagay tungkol sa inyong buhay? Katulad po kung kayo’y naging tapat sa inyong misis at kung meron po kayong anak sa ibang babae? Pichay: Well I think we have the right to privacy at tayo naman ay may batas na libel law. Hindi ho absolute yung right yung karapatan ng press freedom meron pong limitation yan. Eh yung tinatawag na libel law kaya dito sa ating bansa minsan yung media ay talagang walang pakialam kung minsan nga yung iba walang ebidensya talagang expose ng expose lamang. You know like, when you… something you have the responsibility to prove that your expose’ has evidence, hindi yung puro na lamang expose ng expose. Now as far as the private lives of the people are concerned that’s their privacy and they’re entitled to that and that’s even guaranteed in the constitution. Kaya ako po ay hindi sang-ayon na pag-uusapan ang private lives ng mamamayan. Ngayon if you’re a public official that is a different story, public officials should be transparent. Arnold: Pwede. Salamat po Congressman Pichay. Mike. Mike E. Hindi na po tayo magpapaliguy-ligoy, una pong sasagot sa tanong Cesar Montano. At ang nakuha nya pong tanong ay galing kay Loren Legarda. Sa wikang ingles: What concrete steps will you take to ensure that the will of the people through their exercise of their right to vote will prevail over reasonable fears of massive cheating and fraud in the 2007 election na malapit na? Cesar: Kailangan po natin lahat po tayo naghahangad ng mapayapa at malinis na eleksyon. Ngayon po dito po sa 2007 kinakailangan po natin, sa tingin ko eh magdasal po tayo para po magkaroon tayo ng malinis at maayos na election. Bawat isa dagdagan po natin, I hate to sound spiritual pero hindi po natatanggal yang dayaan. Hindi po nawawala yan para sa akin po lahat po ng lahat ng batas na naaayon dyan ay ginawa na natin. Lahat po ay nakadaan na dyan ang mga batas na yan. Ngunit ang para sa akin po, sa personal ko pong opinyon ako po at ang buong pamilya ko po ay hindi ko tinututulan kung sino po ang kanilang iboboto at sino po ang kanilang magugustuhan sa election na ‘to. Mike E: Salamat Cesar. At ang susunod pong sasagot sa tanong si Atty. Oliver Lozano, Attorney ang tanong po na inyong nakuha sa loob ng ating ballot box ay mula kay Mike Defensor. Given the fact that there is so much division in the country, how will you work for/push for national unity and reconciliation? Atty. Lozano: Para magkaroon ng unification ng bansa natin, kailangan merong free, honest, credible and fair election. Dahil kung magkaroon ng massive cheating sa pamamagitan ng bawas-dagdag baka matuloy pa yung banta ni Erap na magkaroon ng rebolusyon. Mike E: Marami pong salamat sa inyong sagot Atty. Losano. Susunod po si Congressman Prospero Pichay, congressman at senatoriable. Ang inyo pong nakuhang tanong ay mula kay Gng. Tessie Aquino-Oreta. What do you think our country needs now in order to move forward? Pichay: Well I think we have to achieve peace in the Philippines ano, matagal ng panahon na talagang pangarap natin makamit yung katahimikan sa Mindanao. Dahil pag hindi natin makamit yung katahimikan sa Mindanao ay talagang hindi po tayo uunlad. May mga travel advisory yung ibang bansa at yung mga turista, instead of coming to our country hindi na po pumupunta. Lalo na yung mga investors, hindi pumupunta rito at kailangan po natin ang income, ang revenue sa tourism kailangan po natin ng investors na pumasok sa ating bansa. Yung Mindanao po hindi natin nade-develop dahil nandun po ang 60% ng insurgency NPA, MILF, Abu Sayyaf, nandyan pa yung MNLF eh ang Mindanao po ay… as a bread basket of the Philippines. Pero hindi po natin nama-maximize po yung potential na maging bread basket ng ating bansa. Kaya kung ako po ay mahalal uunahin po natin yung kapayapaan sa ating bansa. Mike E: At sa puntong ito mga Kapuso ang susunod na grupo po ng mga kandidato sa pagka-senador dito po sa ISANG TANONG. Ang atin pong makikita at mapapanood at pakikinggan ay mula po sa partido Liberal, abogado at re-eleksyonistang senador si Francis “Kiko" Pangilinan. Isa pong dating mamamahayag at ngayon po ay kumakandidato na rin sa pagka senador mula sa KBL, Melchor Chavez. Isa pong dating kongresista at dating senadora kapatid ng yumaong Ninoy Aquino, Tessie Aquino-Oreta. At sila pong 3 uupo sa hotseat sa pagtatanong na pamumunuan po ng walang iba kung hindi si Vicky Morales. (VTR Interview) KiKo: Halos araw-araw din ako’y halos maiyak ano, dahil tuwing ako’y nagtatalumpati nalalayo kasi sa pamilya ko. Yun ang pinakamasakit sa lahat at pag yung anak mo’y lalapit sa’yo… Akala ko ba isang tanong isang sagot lang? Vicky: Ang tanong ko po sa inyo, ang pangunahing trabaho ng isang senador ay gumawa ng batas at mag-imbestiga, ano sa palagay nyo bukod dito ang isa pang dapat asikasuhin ng isang senador? Kiko: Well kasama rin sa’ting.... lilinawin lang natin noh, gumawa ng batas at mag-imbestiga. Yung oversight function natin ay kasama yun sa pag-iimbestiga. Kapag napasa na yung batas dapat makita natin kung maganda ang implementasyon, kung kinakailangan maiplementa ng tama. Pangunahing layunin din ng mga senador palagay ko ay magbigay ng... yung alternatibo sa pamamahala, sa pamumuno. Ipakita na merong ibang paraan ng pamumuno sa ating bansa, ipakita yung bagong paraan ng palakad, bagong pamamahala. Yung good governance na kung tawagin kasama yan sa saklaw ng isang lider sa ating bansa. Kaya po tayo tumakbo ng independent dahil naniniwala tayo yung pulitika natin ngayon mukhang hindi na tumutugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan. Yung pagiging independent lumalayo tayo sa dating pulitika, yung lumang pulitika. At gusto po nating magkaroon ng pagbabago sa pulitika, pagbabago sa pamumuno. Palagay ko yan ay isa ring tungkulin ng isang senador bilang national leader sa ating bansa, bigyan ng direksyon ang ating pamumuno, bigyan ng direksyon ang pamamahala sa ating bansa. Vicky: May oras po, gusto nyong tapusin? Kiko: Ah kaya tayo tumakbo ng independent hindi tayo sumama sa administrasyon, hindi tayo sumama sa oposisyon dahil naniniwala tayo para matugunan ang matagal ng paulit-ulit na mga problema ng ating bansa. 20 taon ng nariyan yung corruption, mahigit noh yung kahirapan dahil na rin sa kakulangan ng mga… Vicky: Maraming salamat po sa inyo Ginoong Pangilinan. Merong isang tanong sa inyo ang ating kapusong si Mel Tiangco. Mel: Atty. Pangilinan marami na po tayong natalakay simula ng isang boto. Nag-umpisa, nariyan ang corruption, kahirapan, edukasyon kalusugan natalakay na… kaya’t ang akin pong isang tanong sa inyo bilang abogado, Anong estado ng judicial system natin at bilang senador how will you improve that? Kiko: Yes maraming problema ang ating hudikatura. Ito’y nakikita natin sa problema ng kabagalan ng pagpaparusa at pagsisintensya at pagreresolba ng mga kaso, kaya nariyan ang extra-judicial killings, kaya nariyan ang corruption, ang ilegal logging, ang smuggling dahil kulang ang pinaparusahan, kinakailangan pabilisin ang paglilitis, kinakailangang paigtingin ang prosecution. Ginawa na natin ito nitong nakaraang 6 na taon at nakikita natin unti-unti ang resulta, nadoble natin ang sahod ng ating mga huwes, nadagdagan ang sahod ng mga prosecutor para madagdagan yung mga huwes, para mapuno ang vacancies para mapabilis ang paglilitis. Ngayon pa lamang mare-reduce na natin ang vacancy rate, 2001 44%, ngayon mauuwi sa 19% or 18% ang vacancy sa ating courts. Ito’y nangangahulugan na darating na ang araw ang mga araw na mapapabilis ang paglilitis, mapapabilis ang parusa, mapapabilis ang sintensya. Pag ganun ang nangyayari makikita ng taong bayan… Vicky: Tawagin natin si ginoong Chavez. (VTR Interview) Chavez: Isa lang siguro yung aking hindi kayang kalimutan yung sabi ng papa ko na yung pagnanakaw ay wag mong gagawin lalung-lalo na sa pagnanakaw sa bayan. Vicky: Ginoong Chavez ang tanong ko po sa inyo, ang pangunahing trabaho po ng isang senador ay gumawa ng batas at mag-imbestiga, ano sa palagay nyo bukod dito ang dapat pang asikasuhin ng isang senador? Chavez: Siguro yung pagnanakaw sa gobyerno, wag na silang magnakaw. Tama na, sobra ng hirap ng ating bayan, kaya yun hong CDF ko kung halimbawa magiging senador hindi ko ho kukuha ng CDF, walang CDF sa akin ayaw ko. Unang-una kailangan nating tulungan ang bayan at ang pagtulong sa bayan nandyan na ang pera ng mga Marcoses na para ibigay sa bayan. Dapat tulungan ninyong manalo ang KBL hindi lang ako lahat ng KBL at isasama na natin yung mga Kapatiran para magiging maayos na ang bansang ito dahil nakikita natin sa mga kalaban sa pulitika gastos ng gastos, kilalang-kilala na sila pero pakilala pa ng pakilala sa television. Hindi natin malaman kung ano, 2 million, 520 thousand lang ang sweldo sa 6 na taon, 420,000 sa isang taon, 35,000 sa isang buwan, bakit ka gagastos ng daang-daang milyon? Ano ginawa lang negosyo itong pulitika? Ang sa akin ang pulitika serbisyo publiko katulad sa isang broadcaster na katulad ko. Vicky: Alright maraming salamat po. May karagdagang katanungan po ang ating kasamahan si Alecks Pabico ng PCIJ. Alecks: Ginoong Chavez, simula pa 1992 tumatakbo na kayo bilang senador, tatlong beses na kayong na-disqualify. Noong 2001 naman 2% lang ng kabuuang boto ang natanggap nyo. Ngayon tumatakbo uli kayo sa ilalim muli ng KBL, pano nyo nakikita na seseryosohin kayo ng mga botante? Chavez: Alam mo hindi ako natatakot matalo dahil may pag-asa kaming manalo. Unang-una ang bayan ay sawang-sawa na sa mga magnanakaw sa gobyerno, kinakailangan nating baguhin na. Kung ang katulad ni Mel Chavez na hindi nagpapayaman, hindi nagpapayaman sa broadcasting, hindi nagpapayaman sa dugo ng bawat isang mamamayang pilipino narapat siguro sa mga kababayan ko. Isa na lang ang dapat nyong tandaan, ako ho’y hindi magnanakaw sa inyo sa bayang ito, nararapat na tulungan natin ang ating mga mamamayan dahil ito ho ang dapat gawin sa isang lider na manunungkulan sa bayan. Vicky: Alright maraming salamat po sa inyo, thank you po. Alright at sa puntong ito tawagan naman po natin ang ating susunod na kandidato. (VTR Interview) Tessie: Ang nakikita ko sa sarili ko eh fulltime housewife o kaya ang tinatawag ko eh LOL, lady of leisure at saka sana lola yun ang gusto ko talagang maging. Vicky: Parehong tanong parehong time limit po. Ang tanong ko po, ang pangunahing trabaho ng isang senador ay gumawa ng batas at mag-imbestiga, ano sa palagay nyo ang dapat pang asikasuhin ng isang senador? Tessie: Ang pangunahing pa.. ah… gawa ng senador ay mag-isip at gumawa nga ng batas na ang imbestigasyon ay dumadating pagkatapos. Pero ang importante, yung panukalang batas mo ay dapat mahusay, magaling, maliwanag hindi yung parang masalimuot at pagkatapos nun magpapatawag ka ng hearing at titignan mo, hihingin mo ang mga opinyon ng mga inimbita mo para sa ganun ang panukalang batas mo ay maliwanag, implementable at talagang makakabuti sa sambayanan na susunod dyan sa batas mo. Vicky: May oras pa po kayo baka gusto nyong sulitin. Tessie: Hindi yun ang pangunahing gawain eh at pagkatapos meron kang constituency work, yung constituency work mo yan yung personal mong ginagawa dyan sa mga lumalapit sa’yo, yung mga humihing sa’yo ng tulong. Pero para sa akin ang pinakaimportante yung mga policies na gagawin mo ay kailangan pag-implement nya mahusay, maibababa ng tama doon sa mga sektor na kailangan mong pagsilbihan. Vicky: Alright Gng. Oreta thank you very much. May katanungan po sa inyo ang ating kapusong si Howie Severino. Howie: Magandang gabi po. Matagal po kayo sa kampo ni pangulong Estrada, ngayon nasa kampo na po kayo ni Pangulong Arroyo. So sa palagay ninyo po sino yung mas mahusay na presidente? Erap o Gloria? Tessie: Actually hindi naman ako pwedeng maghusga ng sinong mas mahusay na presidente sapagkat si presidente Erap hindi naman nya natapos ang kanyang termino noh. Tapos kung pagdating naman sa trabaho nakikita ko masipag at talagang naka hands-on ang presidente Arroyo, yun ang kanyang management style and palagay ko makikita mo naman ang kahusayan ng isang presidente pag yung kanyang administrayon ay mahusay. Maraming nagagawa at maraming mga programs na naipapatupad. Ngayon ang isang nakikita ko yung peso natin bumaba, 47 na lang kaya palagay ko naman eh malaking bagay yan doon sa mga nangyayari doon sa mga polisiya na nangyayari sa bansang ito. So in other words yung kahusayan ng isang administrasyon ay nalalagay sa kagustuhan o sa kung anuman ang satisfaction ng taong bayan. Vicky: Alright marami salamat po sa inyo Gng. Tessie Aquino-Oreta, kina Ginoong Kiko Pangilinan at Melchor Chavez. Ngayon po ay kukuha sila ng karagdagang katanungan sa ating ballot box, Mike. Mike E: Ang una pong kukuha ng tanong sa ballot box ay si senador Francis “Kiko" Pangilinan. Ang inyo pong nakuhang tanong Mr. Senator ay galing po kay Cesar Montano. What specific measures can you initiate w/c will effectively reduce graft and corruption in government? Kiko: Well gaya ng nabanggit natin kanina kinakailangan palakasin natin ang ating hudikatura, bigyan pa sila ng suporta, bigyan pa ng dagdag na umento. I think we also have to address the issue of the pay of our prosecutors, we have to up kailangan magkaroon ng target ang conviction rate dito sa Sandigang Bayan at sa Ombudsman napakababa kasi eh 20% lang dapat itaas natin mga 50, mga 60 hanggang 70%. Ang senado kinakailangang suportahan ang ganitong target ngunit kinakailangan din patakbuhin ng mabilis dahil pag mas maraming pinaparusahan, magkakaroon ng takot at respeto sa ating mga batas. Pag walang pinaparusahan 20% lang ang conviction rate ay talagang maglalakas loob itong mga kurakot dahil nakikita nila lusot sila. So kinakailangan pataasin ang parusa, paramihin ang mako-convict pag mas marami ng mako-convict, bigyan ng suporta ang hudikatura, bigayan ng suporta ang national prosecution service manunumbalik ang respeto at tiwala ng taong bayan sa ating mga batas. Matatakot ang mga salarin na gumawa ng kalokohan. Mike E: Marami pong salamat senador. Susunod po na kukuha ng tanong sa ating ballot box si G. Mel Chavez, Mel. At ang tanong na nakuha po ni Ginoong Mel Chavez ay mula kay Oliver Lozano ang kanyang kapartido. Paano nyo babawiin ang milyong milyong ginastos nyo sa kampanya? Chavez: Nagkamali si kasamang Oliver Lozano sa tanong para sa akin dahil unang-una ang ginastos ko lang wala pang 200 libong piso hanggang ngayon, kaya wala akong milyon na gagastusin para magnakaw sa bayan. Ang kailangan lang siguro natin yung ipakita sa bayan na yung taus-pusong paglilingkod dahil yan ho ang kailangan ngayon hindi ho yung kung nagkakasala ka “ I’m sorry," pagka merong kasalanan doon sa senado ang binigay na para sa mga magsasaka itinakbo sa America ni Jocjoc Bolante, “ I’m sorry," Kaya hindi dapat ganun eh dapat nakakulong dito yun ,eh kaya narapat na tignang maigi ng bawat mamamayang pilipino kung sino ang dapat nilang iboto dahil ang kailangan natin ngayon para umunlad ang bayan yung mga magnanakaw na yan ay ilaglag na ninyo sa inyong mga balota, magandang gabi po. Mike E: Maraming salamat Mel. At si Gng. Tessie Aquino-Oreta, ma’am. Ang inyo pong tanong na nakuha sa ballot box ay galing kay Prospero Pichay. Tessie: Ay! Mike E: Kapartido nyo rin. Tessie: Hindi sya nakakuha ng question ko. Mike E: Ah sya rin ang nakakuha ng question nyo ok, ito po wikang ingles, as a future senator what is you idea or what are your ideas as regards reinventing the bureaucracy? Tessie: Reinventing the bureacracy…Mahirap umpisahan yan. Inumpisahan na ‘yan nung Aquino administration na gusto nilang baguhin ang bureacracy. Gustong putulin yan. Ngunit sa nangyari, imbes na mamenos, naiwan as is at dumami pa. Palagay ko, reinventing unang-una ‘yung salary grade. Kung mahusay na mahusay na magtatrabaho, mahirap magtrabaho sa pamahalaan eh. Mababa ang salary grade mo. Ngunit nangangailangan ka ng magagaling. At lalong lalo na ‘yung mga nag-aral pa ng masters degree at doctorate. Siyempre naman ‘yung kanilang pamumuhay, kailangan mo ring asikasuhin. Sa akin siguro, unang-una, tingnan natin ‘yung salary grade ng mga magtatrabaho para sa ganoon mae-enganyo kang magtrabaho sa pamahalaan. Pangalawa, ‘yun lang mga… alisin natin mga… iba’t-ibang tinatawag nilang casuals diyan. Kasi ‘di mo na kailangan ‘yan eh, pulitika lang ‘yun. Mike E: Tuloy-tuloy na po ang ISANG TANONG, the senatoriable forum ng GMA Network News and Public Affairs. Ang susunod na mga kandidatong haharap po sa inyo ngayong gabi, ang bar topnotcher ng taong 1990, anak ni Senador Pimentel, si Atty. Koko Pimentel. ..Isang retired police general, Eduardo “Ed" Ortilla…At ang mamumuno sa pagtatanong para sa dalawang kandidatong ito, isa po sa mga palaban ng GMA Network, walang iba, kung hindi ang inyong Mareng Winnie Monsod. (VTR Interview) Atty. Koko: Kung bibigyan ako ng pagkakataon na makipagpalit ng buhay, ang pipiliin kong buhay, buhay ng tatay ko. Kasi napakamakulay, napakamahalaga, napakamakasaysayan kaya gusto ko sanang…Sana ako na lang ang naging tatay ko. Winnie: Ang tanong na you’ve been waiting all to hear. Koko, ang kasong plunder na laban kay dating Pangulong Joseph Estrada ay nagtatagal na ng anim na taon at wala pang katapusan. Question, ano ba ang problema dito, sa palagay mo? At saka ang solusyon ba dito ay palayain na lang siya at patawarin? Atty. Koko: Una sa lahat po, Salamat at pinayagan ninyo akong mag-barong kasi hindi ako bagay sa Amerikana. Ngayon, ang problema siguro diyan sa kaso ni presidente Erap, mukhang masyadong matagal ang oras na kinunsumo ng prosecution. Alam niyo naman na justice delayed is justice denied. Siguro, hindi dapat tanungin kung dapat siyang palayain. Ang challenge ngayon is, nasa sa lawyers na niya ‘yun kung hahanapan ng remedyo. Because justice delayed nga is justice denied at meron po tayong state principle sa ating constitustion na yung speedy disposition of cases, karapatan po yan. So kung sa tingin ng mga abogado ni Predidente Erap eh nalabag na yang karapatan na yan then they should seek their proper remedy under the law. Winnie: Ah mahina pala ang defense lawyers ni— Atty. Koko: Hindi but they-- Winnie: Hindi ba? Atty. Koko: They can—im advising them to look at this angle, ibang angle naman. Winnie: Ok, o ngayon ay magtatanong naman sa’yo si Alecks Pabico. Alecks : Magandang gabi Atty. Pimentel. Ayon sa inyo, hindi nakaka-engganyo na tumakbo para sa local na position dahil nananatiling puro usapin lang sa pagpapalibing, pagpapagawa ng kalsada at iba pang maliliit na problemang kinakaharap ng LGUs. Ito po ba’y pagmamaliit sa gawain ng local na pamahalaan na mismo ang inyong ama ang nagtaguyod sa ilalim ng local government code, maaari ho bang ipaliwanag? Atty. Koko: Hindi po yan pagmamaliit po sa mga LGUs. Pero ano po yan nasa preference ng tipo ng problema na gusto kong hanapan ng solusyon. Ang gusto ko sanang hanapan ng solusyon yung structural changes natin, pano ipapababa ang presyo ng gamot ng medisina. Ayoko na sana yung problemang pano ipapalibing yung isang constituent na namatayan, so ayun, ang ayokong nature ng problem ang gusto ko sanang problema yung federalism, local autonomy, poverty, inflation, pano natin papasiglahin ang ating ekonomiya, pano tayo magge-generate ng mas maraming trabaho, pano natin sasagutin ang problema ng kahirapan at kagutuman, yun po. Hindi po dahil sa minamaliit ko yung nature ng trabaho its just a preference of mind. Winnie: Ok thank you very much. And now let’s call General Orpilla. (VTR Interview) Orpilla: Ang hindi alam ng ibang tao tungkol sa akin ay ako ay naging self-supporting student magmula nung ako’y grade 4. Naranasan kong magtinda ng pandesal, tinapay sa aking mga teachers hanggang ako’y high school ako’y tumutulong sa aking magulang. Winnie: Ito po ang tanong sa inyo ha, same question. Ang kaso laban kay dating pangulong Joseph Estrada na plunder ay 6 na taon ng nagtatagal, hindi pa tapos sa pananaw ninyo ano ang problema at ang solusyon ba nito ay patawarin na lang sya at palayain sya? Orpilla: Ang problema dito ay kulang ng pang-unawa at pagmamahalan ng bawat mamamayan at mga lider. Una sa lahat, bakit kinulong at tinanggal ang dating pangulong presidente Erap Estrada? Ano ba yung kamay na yan na hindi nakikita na kumukontrol sa ating bansa? Na kumukontrol sa bawat leader natin na bakit tuwing merong ganyan na rebolusyon ay nahihirapan ang taong bayan, bakit? Dahil kung may rebolusyon natatakot ang mga investor na pumasok sa ating bansa. Ngayon tungkol naman sa pagpapatawad sa kanya ay kailangan ay mabigyan sya ng magandang aksyon na kung saan ay magiging maligaya naman sya. Dahil sa nakikita ko ay biktima sya ng panahon, at sa biktima ng panahon na yan alam naman nating lahat lalo na yung manunungkulan sa matataas na pwesto na merong unseen hands, who are manipulating the events of our country especially in this forthcoming move again to change the charter? Winnie: Ok, merong question naman sa inyo si Fr. Francis. Fr. Francis : Magandang gabi po Mr, Orpilla. Ang tanong ko po’y ito. Alam din natin na sa ating bansa ay napakaraming walang lupa, walang makain na sila naman ang mga magsasaka at mangingisda at ang lakas po ng mahihirap lalo sa kalinangan ay ang bisig nila at ang kalikasan, kaya kung kayo po’y mananalong senador itutulak pa ba ninyo ang agrarian reform? Pangalawa at magkakaroon tayo ng istriktong pangangalaga ng kalikasan at wag ng sirain pa yan? Orpilla: Ah kailangan ay tulungan natin ang mga mahihirap na sektor ng ating lipunan na kanyang nabanggit. Lalo na agrarian dahil ang mga tao ay nahihirapan na masyado, pinahihirapan ang mga may-ari ng lupang malalaki at yung magsasaka ay natitira lamang ay ang putik sa kanilang paa pagka-galing sa pagsasaka at iba pang gawain at kailangan ay gumawa tayo ng madaliang aksiyon tungkol dito. Dahil kung hindi tayo gagawa nyan baka mapuno ang ating mga kababayan na biktima ng mapang-aping uri ng sektor ng ating lipunan lalo na ang mga mayayaman. Winnie: Ok Mike. Mike E: At pupunta tayo na naman sa ating ballot box at una pong pipili ng tanong para sagutin mga tanong na galing po sa mga kapwa nila senatoriable ay si Atty. Koko Pimentel. Ito po ang tanong na nakuha ninyo o napili ninyo ay galing po kay senador Ping Lacson. What do you intend to do with your Priority Development Assistance Fund o PDAF if elected? Atty. Koko: Well meron na po akong flow chart dyan. Una sa lahat I will join the call for the abolition of the pork barrel. Pero sa lahat, dapat pantay-pantay hindi pwedeng senador magsakripisyo, presidente hindi. Pero pag let’s say hindi yan magsucceed meron na rin akong alam kung saan ko ilalagay yung PDAF. Ilalagay ko po yan sa mga programang land to the landless and the homes for the homeless. Katulad ng Gawad Kalinga, Habitat for Humanity, tulungan yan at we could always, the senator or the government could always improve the site of the project so iyon po yun, that is still the public funds for public purposes and public uses. Mike E: Marami pong salamat Senator Pimentel. At ang susunod po na kukuha ng tanong sa ating ballot box si Ginoong Ed Orpilla. General, ang inyo pong nakuhang tanong ay mula po sa inyong kapwa senatoriable na si Francis “Kiko" Pangilinan. What among your experiences have prepared you for the task of law-making? General? Gen. Orpilla: Ah marami po dahil sa ating karanasan sa pulisya at saka sa military, 38 yrs na mahigit at iba-ibang mga tao ang aking nakikita at nakakausap at nalaman natin kung ano talagang problema ng bawat isa sa kanila. Isa dito na ating napapansin ay ang mga mahihirap, mahirap pa rin hanggang ngayon na kailangan ang administrasyon o sinuman ang uupo sa administrasyon ay gagawa ng paraan para maibsan ang kahirapan. At sa amin sa kilusang Bagong Lipunan ay hindi lamang pangako na katulad ng ibang senatoriables, meron po kaming immediate na solusyon kaya nga po nag-file kami ng demanda sa Ombudsman na pamadaliin at i-account yung 100 billion pesos na dapat magamit sa bawat sektor ng ating lipunan. Mike E: Tapos na po ang pagtatanong ng mga haligi ng GMA News and Public Affairs at ng mga partner natin sa election 2007, ang ating panel of interrogators. Ngayon naman po ang pinakahuling tanong na sasagutin po ng ating mga kandidato sa pagka-senador para sa gabing ito, dito po sa Isang Tanong. At lahat po sila bibigyan natin ng tigkakalahating minuto o 30 segundos para sagutin ang tanong na ito. Bakit dapat namin kayong iboto bilang senador? Legarda: Ako po’y si Loren Legarda at dapat iboto dahil unang-una po, may paninindigan, pangalawa po ay may kakayanan at nakita po sa aking mga nagawang batas sa senado bilang isang majority leader na babae nung 1998-2004, pangatlo po ako po’y mapagkakatiwalaan and I can say I’ve never accepted a bribe in my life. Ako po ay maglilingkod ng tapat, mapagmahal at mapagkalinga at maglilingkod po sa taong bayan. Nanindigan po ng 3 taon sa pamamagitan po ng aking vice presidential electoral… Defensor: Una po sa lahat ako po’y pumasok sa halalang ito na hindi nangangako at hindi po nagpi-prisinta ng plataporma. Ako po ay pumasok sa halalang ito na meron hong track record o may mga nagawa na nung ako po ay nasa konseho. Nasa Kongreso, mga lehislasyon at higit sa lahat po nung ako ay nasa gabinete. Sa halalan pong ito, ako lang po ata ang tumatakbo na meron pong pinanggalingan sa gabinete at maging sa Kongreso. Sa akin pong paglilingkod sa gabinete ang programa pong pambahay ay aking pinaunlad higit kumulang isa’t kalahating milyong pilipino ang aming natulungan at… Gomez: Magandang gabi, I’ve been doing my advocacies long before ko naisip tumakbo for public office, but you know, I can only do so much as a private citizen. And I want the people let me to the senate because I want to make use of my full potential in fulfilling my vision for the Filipino people. Im offering myself, my fresh idea, my youthful energy and my idealism. Syempre kasama na dyan ang aking fresh perspective so please elect me in the senate. Lacson: Ako lamang po ang nag-iisang mambabatas sa abot ng aking nalalaman na hindi tumatanggap ng pork barrel. Ang senador po ay tumatanggap ng mahigit isang milyon na MOE. ito po ay hindi ko inuumit, hindi ko ninanakaw at ginagamit sa wastong paraan. Hindi pa po ako nakatikim ng lobby money simula nung ako’y naupong senador. Ito kasi po ang turo ng aking magulang pag babawiin ang prinsipyo sa harap ng maraming pribilehiyo. Maraming salamat po. Paredes: Nanindigan ho ako nung ako’y undersecretary ng presidential commission on the visiting forces agreement. Dahil ho sa aking prinsipyo minabuti ko nang mag-resign at talikdan ang mataan na puwesto sa gobyerno dahilan sa aking prinsipyo. Ganito rin ho ang gagawin ko sa senado, maninindigan ako para sa kabutihan ng bayan at ng taong-bayan. Maninindigan ako para sa ating Saligang Batas at sa katarungan. Maraming salamat po. Wood: Magandang gabi ho si Victor Wood po. Ang akin ay maging two-party system na lang at napakalaking gastos itong pagkakandidato at hindi rin nakakatulong sa bayan natin, at pagkatapos ng election yun pa rin ang hirap, pangako ng kandidato mula nung araw hanggang ngayon wala pang pagbabago. Kailangan baguhin natin ang election code natin maging 6 yrs ang terms para hindi masyadong malaki ang gastos ng ating bayan yun lang po. Montano: Dala ko po ang hinaing ninyo sa puso ko nung ako po’y artista lang. Dala ko pa rin hanggang senado po ang pangangailangan nyo at hinaing ninyo. Yun po ang ipaglalaban ko at isusulong ko ng buong puso pa rin pagdating po sa senado. Ito po si Cesar Montano marami pong salamat. Lozano: Magandang gabi po mga kababayan. Araw-araw napapansin natin ang mga dukha sa lansangan nakikipag-agawan para sa labing pagkain sa basurahan. Naririnig natin ang mga magsasaka wala kaming lupa kundi putik sa aming mga paa. Pag manalo po tayo madagdagan ang lakas natin upang tulungan si Mrs. Marcos na ipatupad nya ang kanyang adhikain, wala ng pilipinong mahirap sang-ayon sa pangako ni president Arroyo na wakasan ang kahirapan sa loob ng… Pichay: Ako po si Prospero Pichay subok na pulitiko, matagal ng naging congressman, 3 terms ng naging congressman at maganda po ang performance na ipinapakita natin sa Congress. At ako po ay tumatakbo dahil kailangan po ng tinig ng Mindanao, matagal ng daing ng mga taga-Mindanao dahil sa kahirapan at medyo dahil sa walang tinig ang Mindanao ay napapabayaan po ang share natin sa national budget. Kailangan po natin dagdagan ang share sa national budget ng sa ganun ay matupad natin ang… Pangilinan: Tayo po ang pinakabatang naging majority leader ng Philippine Senate mula pa nung 1937, tumakbo ho tayo ng independent base sa prinsipyo at paninindigan, mahirap ho sa mga namumuno ang walang isang salita. Tayo po nanindigan, hindi sumama sa administrasyon, hindi sumama sa oposisyon, hindi ho lumipat, hindi ho papalit-palit. Dapat ang mga namumuno may paninindigan, may isang salita. Chavez: Dapat hong iboto ako ng ating mga kababayan dahil sa pagsali ko dito sa labanang ito, hindi ho pulitiko para magnenegosyo, nagpupulitiko ho ako para magserbisyo publiko at ang katapusan ho, hindi ho ako magnanakaw sa gobyerno. Bayan maraming salamat. Tessie: Dahil sa hirap at problema ng ating bansa dapat nating baguhin ang ating pananaw. Ang ating kalooban at ating kaisipan lalung-lalo na ang mga lider at mga pulitiko ng ating bansa. Dapat itigil natin ang pulitika ng galit at pulitika ng pagbabangayan at palitan natin ito sa pulitika ng pag-asa at pulitika ng kinabukasan, pagkakaisa. Alam kong mahirap gawin ito, ako mismo ay dumanas at dumaan sa ganitong klaseng… Atty. Koko: Magandang gabi po ako po si Koko Pimentel, isang abogado na may background sa Science ah gusto ko po sanang gamitin yung aking napag-aralan sa eskuwelahan, ang aking karanasan to solve our problems. I am a problem solver at heart at ah sana po ako’y bago sa pulitika I have ah meron akong mga bagong idea subukan po natin ang mga bagong solusyon sa ating lumang problema. Maraming salamat po Orpilla: Ako po si Ed Orpilla, 38 yrs na nanungkulan sa military saka Philippine National Police. Palagi kong nakikita maraming biktima ng droga magmula noon unang panahon pa. Nung 1972, 20 thousand ang reported na young addicts, kabataan. Nung 1997, 1.7 million ang kabataan na apektado ng droga. Napapansin ko hindi binibigyan ng halaga ang paglaban sa salot ng lipunan. Mike E: Salamat po. Mga kapuso narinig na ninyo at napanood na ninyo at nakita na ninyo ang mga kapuso nating mga kandidato sa pagka-senador. Sa ika-14 po ng Mayo sa inyo po ang pagpapasya. Tandaan lang po lamang napaka-importante po at napakalaki na papel na gagampanan ng isa ninyong boto. Iiyan po ang magdidikta kung ano ang magiging kinabukasan ng Pilipinas at yan po ay ang magdidikta ng kinabukasan ng ating mga anak at ng kanilang mga anak. Ito po ang ISANG TANONG The Senatorial Forum. Marami pong salamat sa mga naging katuwang para mabuo po ang espesyal na pagtatanghal na ito ng GMA, gayundin po syempre ang mga kandidato na buong tapang na humarap dito at sumagot sa isang tanong. At sa inyo mga kapuso na sumubaybay sa espesyal na programang ito ng GMA News and Public Affairs. Ako po si Mike Enriquez, marami pong salamat sa inyong pagtitiwala.