Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Erap trial, frat violence, slaves


Episode on June 19, 2007 Tuesday late night after Saksi Erap on trial Maki Pulido The plunder trial of former President Joseph Estrada may be one of the most closely-watched and controversial cases in the nation’s history. Prosecution and defense lawyers finished giving their oral summation on Friday and a verdict by the Sandiganbayan is expected in about 90 days. After about five years, people may have become lost in the evidence and arguments presented by both sides. Reporter’s Notebook asks what impact the Estrada trial will have on the nation’s future. Fraternity violence Oscar Oida Two young men were recently added to the ever growing list of victims of fraternity violence. The two died following clashes between two rival fraternities in Marikina, seemingly pointing to the fact that whatever benefits joining such groups is perceived to bring are outweighed by essentially life-threatening risks. Reporter’s Notebook probes authorities’ possible shortcomings in curbing, if not eliminating, fraternity violence. Alipin Rawna Crisostomo Amid the wide, fertile lands of Negros, farmers who have waited for decades for land reform live in poverty and misery, indicative of the problems that continue to hound the Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). In some instances, some farmers have paid for their lives in their struggle for land to call their own. In the most recent incident, two farmers waiting for their “installation" in land already turned over to them were killed allegedly by a landlord’s security guards. When will these farmers truly benefit from CARP? Watch these Reporter’s Notebook stories on Tuesday late night after Saksi on GMA.
Erap, frat at CARP Erap on Trial Maki Pulido Erap on Trial - maituturing na isa sa pinakabinantayan, pinakasinundan at pinakakontrobersyal na kasong nilitis sa ating kasaysayan. Ito marahil ang pinaka-high-profile na kasong dininig sa korte kung saan isang pangulo ang kinasuhan at humarap sa hukuman. Sa pagtatapos ng pagdinig sa kaso, sariwain ang mga kaganapan kung saan lahat nagmula ang kasong ito. Matapos ang halos limang taon, ano na ba ang nangyari sa mga ebidensya at mga testigong naging mitsa ng Erap presidency. Paano makaaapekto ang pagtatapos ng pagdinig sa kaso ni Erap sa kinabukasan ng bansa? Kapatiran o Kapahamakan? Oscar Oida Dalawang binatilyo ang kamakailan ay nadagdag sa humahabang listahan ng mga biktima ng fraternity violence. Namatay ang dalawa dahil sa bangayan ng dalawang magkalabang frat sa Marikina. Tila muling pinatunayan ng insidenteng ito na minsan ay may kapahamakang dulot ang pagsapi sa isang fraternity. Saan nagkulang ang mga otoridad sa pagpapatupad ng batas? Alipin Rawna Crisostomo Sa gitna ng malalawak at mayayamang lupain sa Negros, nananatiling mahirap at miserable ang buhay ng ilang residente. Sila ang mga magsasakang dekada na ang hinintay pero mga alipin pa rin daw sa mga lupaing dapat ay kanila na. Isang indikasyon ng masalimuot na isyu at problema ng Comprehensive Agrarian Reform Program. Sa ilang pagkakataon, buhay na ang naging kapalit ng pakikipaglaban ng mga magsasakang ito para sa kanilang karapatan. Sa pinakahuling insidente, dalawang magsasaka ang pinaslang sa Negros. Saan nga ba talaga patungo ang isyu ng land reform sa bansa? Panoorin ang mga kuwentong ito ng Reporter’s Notebook sa ika-19 ng Hunyo, Martes ng gabi pagkatapos ng Saksi, sa GMA.