MILF umamin sa pag-atake sa Marines, 23 sundalo daw patay
07/11/2007 | 02:32 PM
Umamin ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa pag-atake sa mga pwersa ng gobyerno sa Basilan noong Miyerkules, subalit tikom ang bibig nila kung nakipag-alyado sila sa bandidong grupo ng Abu Sayyaf.
Ayon kay MILF chief negotiator Mohager Iqbal, nagsimula ang enkwentro nang pasukin ng Marines ang kampo nila sa bayan ng Tipo-Tipo.
"Our troops thought they were under attack that's why they fought back. If they just coordinate with our men on the ground, it should have not happened," ani Iqbal.
Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP), walo ang kumpirmadong patay sa insidente, apat sa kanila ang pinugutan ng ulo. Samantala, anim naman ang nawawala, habang siyam ang sugatan.
Sa hiwalay na panayam, sinabi ni Iqbal na pito ang napugutan ng ulo, isang uri ng pagpatay na nahahawig sa paraan ng Abu Sayyaf.
"All in all, in our report, 23 government troops were killed, eleven of them on the spot, and 12 others were wounded. The bodies of beheaded soldiers were found," aniya.
Sinabi ng AFP na mula 300 hanggang 500 katao ang umatake sa kanilang tropa habang pabalik mula sa search operation ng dinakip na Italyanong pari na si Giancarlo Bossi.
Dalawang M-35 military trucks ang nasira habang kinuha pa ng mga bandido ang isa pang sasakyan sa insidente, ani Iqbal.
Idinagdag pa nito na limang five M-60 machine guns, isang sub-machine gun, limang M-203 grenade launchers, dalawang M-14 rifles na may sniper scopes, isang night vision goggle at dalawang radio transceivers ay nakuha rin. - Mark J. Ubalde, GMANews.TV