Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Pinay teacher's American dream becomes real


Magandang araw po! Sumulat po ako dahil mayroon akong kwento tungkol sa buhay dito sa ibang bansa. Una sa lahat, palagi akong online sa GMANews kaya naisip ko na sumulat sa inyo. Ang kwento ko ay tungkol sa buhay ko dito. Ako po ay isang guro sa Pilipinas. Isinilang ako sa Dipolog City, Mindanano. Nakapunta ako sa ibang bansa sa pamamagitan ng isang Amerikano na naging fiance ko. Kami ay biniyayaan ng isang anak, at ang aking karanasan bilang Pilipino dito sa ibang bansa ay kakaiba diyan sa atin. Ako ay nandito sa Valencia, California, USA malapit sa Magic Mountain Seven Flags. Maraming mga kababayan na Filipino dito at Filipino groups. Hindi po ako isang OFW, fiancee po ang visa ko. Ang anak ko ay si Tiffany Anne Kingston, 37 years old. Maganda naman ang kalagayan ko dito, sa awa ng Diyos! Marianita