Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Dubai


Episode on July 31, 2007 Tuesday late night after Saksi As part of the series marking Reporter’s Notebook’s third anniversary, Jiggy Manicad and Maki Pulido present bitter stories of some overseas Filipino workers. Dubai in the United Arab Emirates is considered a rising “world empire" in the Middle East. It is becoming known as a shopping capital. It is also known as one of the main destinations of OFWs, with more than 100,000 believed to be working in Dubai. High salaries and a brighter future lure OFWs but for some, it has a become a nightmare and a failed attempt to give better lives for their families. In their hour of dire need, who can these Dubai OFWs turn to? Watch this special Reporter’s Notebook episode on Tuesday late night after Saksi on GMA.
Sa pagpapatuloy ng ikatlong taong anibersaryong pagtatanghal ng Reporter's Notebook, ilalahad nina Jiggy Manicad at Maki Pulido ang mapapait na kuwento ng mga kababayan nating nakikipagsapalaran sa Gitnang Silangan. Itinuturing na isa sa mga papausbong na "world empire" ang Dubai ng United Arab Emirates. Lugar na ipinagmamalaki ng Middle East at isa sa mga binansagang shopping capital ng mundo. Pero higit dito, kilala rin itong bagsakan ng ating overseas contract workers. Katunayan, mahigit isangdaang libong Pinoy ang kasalukuyang nagtatrabaho sa maladisyertong lugar na ito. Pumapangalawa sa mga bansang may pinakamaraming OFW sa mundo. Mataas na suweldo at magandang bukas ang dahilan kaya nangingibang-bansa ang mga manggagawang Pilipino. Pero tulad ng iba pang mga kuwento, masaklap ang naging kapalaran ng ilang mga Pilipino rito. tila naging bangungot ang ginhawang kanilang pinangarap para sa kanilang mga pamilya. Sa likod ng mga walang kamatayang problema at hinaing ng mga Pinoy sa ibang bansa, paano ba tumutugon ang ating pamahalaan? May malalapitan pa ba ang mga Pilipinong walang katiyakan ang kapalaran sa ibang bayan? Panooring ang Reporter’s Notebook sa Martes ng gabi pagkatapos ng Saksi sa GMA.