Mobile Alerts  Newsletter  Archives  About Us  Advertise with Us Twitter GMANews.TV Facebook GMANews.TV RSS GMANews.TV
Pinoy Abroad

Smart pumalag sa pagkakadawit sa ‘Hello Garci’ tapes

Umalma ang telecom giant na Smart Communications nitong Miyerkules sa pagkakadawit ng kumpanya sa "Hello Garci" scandal na muling iimbestigahan ng Senado batay sa karagdagang testimonya ni dating military intelligence agent Vidal Doble.

Bagama't "lumang istorya" na raw ang pahayag ni Doble tungkol sa partisipasyon umano ng telecom network sa ginawang paniniktik sa ilang personalidad noong 2004, sinabi ni Ramon Isberto, tagapagsalita ng Smart, na hindi pinahihintulutan ng kumpanya ang pakikinig sa pag-uusap ng subscribers.

Gayunpaman, inamin ni Isberto na hindi imposible kung may tauhan silang nakipagsabwatan sa militar para i-wiretap ang pag-uusap ng kanilang mga subscriber na target ng “Project: Lighthouse."

"It is possible [some company officials participated] as anything is possible. But actions like this are certainly violative of company policy," aniya.

Nanindigan si Isberto na hindi pinapahintulutan ng kumpanya ang sino man sa kanila ang makinig o magmonitor ng pag-uusap ng kanilang subscribers.

"There are internal processes that deal with situations like this. We conduct periodic investigations to ensure the quality and security of our operations," dagdag pa niya.

Hindi naman malinaw kung nagsagawa ng imbestigasyon ang Smart sa pagkakadawit nila sa “Hello Garci" at kung mayroon silang tauhan na naparusahan.

Sa panayam ng dzBB nitong Miyerkules, sinabi ni Doble na ang kanyang dating superiors na nasa likod ng "Project Lighthouse" operation – na sina Col. Paul Sumayo at Capt. Frederick Rebong – ang kumuha ng kontak sa telecom firm.

"Sa officers' level namin, si Captain Sumayo at si Colonel Rebong 'yung nakipag-coordinate sa service provider na Smart," kwento ni Doble.

"Definitely, (may kasabwat). Kasi hindi naman magiging posible 'yan kung wala kang contact dun sa loob (Smart) eh," dagdag pa niya.

Nang tanungin kung alam ng mga may-ari ng Smart ang operasyon, sinabi ni Doble na posibleng hindi ito alam ng pamunuan ng telecom firm.

Aniya, nagsagawa ng spotting ang mga ahente ng Isafp para pag-aralan ang kahinaan ng mga tao sa Smart bago ito kausapin at kumbinsihin na tumulong sa kanilang operasyon.

Kabilang sa mga tiniktikan umano ng Isafp ay ang namayapang si Fernando Poe Jr., na presidential candidate ng oposisyon noong 2004; dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano; aktor na si Rex Cortez; Magdalo leader na ngayon ay Sen. Antonio Trillanes; Sen. Gregorio Honasan at maging si dating presidential chief of staff Mike Defensor. - Fidel Jimenez, GMANews.TV
Other Balitang Pinoy stories
Mga kandidato umarangkada sa unang araw ng kampanya
02/09/2010 | 11:20 PM
MANILA – Kanya-kanyang gimik, pagpapapogi at paninira sa kalaban ang bumungad sa unang araw ng kampanya nitong Martes para sa mga kandidato sa pambansang posisyon sa darating na halalan sa Mayo. More
Pagdakip sa 43 health workers sisiyasatin ng Senado
02/09/2010 | 09:28 PM
MANILA – Kahit nakabakasyon ang Kongreso, naghain ng resolusyon si Sen. Pia Cayetano sa kapulungan para imbestigahan ang pag-aresto sa 43 health workers sa Morong, Rizal na pinaghihinalaang... More
Pagdanganan pinayagan ng umupo bilang gobernador ng Bulacan
02/09/2010 | 08:44 PM
MANILA – Opisyal ng manunungkulan bilang gobernador ng Bulacan si dating Agrarian Reform Secretary Roberto Pagdanganan matapos ibasura ng Commission on Elections (Comelec) ang apela ng pinatalsik... More
Feb 16, 2010: Huling araw ng aplikasyon ng WWII vets para sa US benefits
02/09/2010 | 06:34 PM
MANILA – May isang linggo pa para makapagsumite ng aplikasyon ang mga Pilipinong beterano ng World War II upang makatanggap ng mga benepisyong ipinagkakaloob ng mga Amerika. More
Comelec bigong mag-report sa Kongreso tungkol sa automated polls
02/09/2010 | 05:54 PM
MANILA – Nagpahayag ng pagkabahala nitong Martes si Speaker Prospero Nograles Jr kaugnay sa kabiguan ng Commission on Elections (Comelec) na magsumite sa Kongreso ng ulat tungkol sa kalagayan ng... More
Isiniwalat ni Enrile na panunuhol ni Villar pinagdududahan
01/27/2010 | 09:52 PM
MANILA – ‘Dapat pa bang paniwalaan ang tao na minsan ng umamin na pineke niya ang sariling ambush noong panahon ng martial law? More
Pinay sa Saudi nagpamalas ng kabayanihan sa pagtulong sa kababayan
01/27/2010 | 05:21 PM
JEDDAH, Saudi Arabia – Isang Pinay ang nagpakita ng kabayanihan nang tulungan ang isang kababayan domestic hleper na minaltrato ng kanyang amo sa loob mismo ng paliparan sa Dammam. More
Lalaki kulong matapos humirit ng sex kapalit ng naked pics ng ex-gf
01/27/2010 | 04:25 PM
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya – Sa halip na malambot na kama, matigas na rehas ang hinihimas ngayon ng isang 38-anyos na nursing student matapos ipakulong ng kanyang dating kasintahan. More
ADVERTISEMENT