Mobile Alerts  Newsletter  Archives  About Us  Advertise with Us Twitter GMANews.TV Facebook GMANews.TV RSS GMANews.TV
Pinoy Abroad

Paggamit ng kongresista sa pork barrel sinilip ng COA

Pinagpapaliwanag ng Commission on Audit (COA) si Manila (2D) Rep. Jaime Lopez kaugnay sa kwestyunableng paggamit ng kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) na mas kilala sa tawag na “pork barrel" fund.

Sa pagsusuri ng COA, nakita mula sa Department of Health noong 2006 na naglabas si Lopez ng P350,000 pondo para sa medical assistance fund sa Tondo Medical Center (TMC).

Ngunit iniulat ni COA Auditor IV Richard Pardiñez na may mga paglabag sa batas na ginawa sa paggamit ng pondo bilang medical assistance.

Gamit ang alokasyon ng PDAF, bumili ang TMC ng 13 units of nebulizers na nagkakahalaga ng P58,000 bawat unit sa ilalim ng klasipikasyon na “hospital equipment." Ang nebulizers ay gamit ng mga pasyente na may problema sa paghinga tulad ng hika o asthma.

“Later, 11 units were withdrawn by the congressman’s staff but [was] recorded in the books as outright expense of the hospital. Such practice violated the provisions of the 2005 General Appropriations Act, as re-enacted for 2006, and the DOH memorandum circular no. 2006-0009 dated February 1, 2006," paliwanag sa report ng COA.

Sa ilalim ng batas, nakasaad na ang mga tulong pinansyal na ipinapadaan sa mga hospitals/medical centers mula sa PDAF ay, “it shall be utilized only for medical expenses of indigent patients confined at the hospitals."

“Procurement of equipment out of PDAF was not among the purposes for which such financial assistance was granted, which is to pay for the cost of medicines and other medical services rendered to indigent patients," dagdag ng COA report.

Inirekomenda ng COA sa tanggapan ni Lopez na ipaliwanag kung saan napunta ang 11 nebulizers at maglabas ng resibo na magpapatunay na tinanggap ng benepisaryo ang nasabing mga gamit. - GMANews.TV
Other Balitang Pinoy stories
Mga kandidato umarangkada sa unang araw ng kampanya
02/09/2010 | 11:20 PM
MANILA – Kanya-kanyang gimik, pagpapapogi at paninira sa kalaban ang bumungad sa unang araw ng kampanya nitong Martes para sa mga kandidato sa pambansang posisyon sa darating na halalan sa Mayo. More
Pagdakip sa 43 health workers sisiyasatin ng Senado
02/09/2010 | 09:28 PM
MANILA – Kahit nakabakasyon ang Kongreso, naghain ng resolusyon si Sen. Pia Cayetano sa kapulungan para imbestigahan ang pag-aresto sa 43 health workers sa Morong, Rizal na pinaghihinalaang... More
Pagdanganan pinayagan ng umupo bilang gobernador ng Bulacan
02/09/2010 | 08:44 PM
MANILA – Opisyal ng manunungkulan bilang gobernador ng Bulacan si dating Agrarian Reform Secretary Roberto Pagdanganan matapos ibasura ng Commission on Elections (Comelec) ang apela ng pinatalsik... More
Feb 16, 2010: Huling araw ng aplikasyon ng WWII vets para sa US benefits
02/09/2010 | 06:34 PM
MANILA – May isang linggo pa para makapagsumite ng aplikasyon ang mga Pilipinong beterano ng World War II upang makatanggap ng mga benepisyong ipinagkakaloob ng mga Amerika. More
Comelec bigong mag-report sa Kongreso tungkol sa automated polls
02/09/2010 | 05:54 PM
MANILA – Nagpahayag ng pagkabahala nitong Martes si Speaker Prospero Nograles Jr kaugnay sa kabiguan ng Commission on Elections (Comelec) na magsumite sa Kongreso ng ulat tungkol sa kalagayan ng... More
Isiniwalat ni Enrile na panunuhol ni Villar pinagdududahan
01/27/2010 | 09:52 PM
MANILA – ‘Dapat pa bang paniwalaan ang tao na minsan ng umamin na pineke niya ang sariling ambush noong panahon ng martial law? More
Pinay sa Saudi nagpamalas ng kabayanihan sa pagtulong sa kababayan
01/27/2010 | 05:21 PM
JEDDAH, Saudi Arabia – Isang Pinay ang nagpakita ng kabayanihan nang tulungan ang isang kababayan domestic hleper na minaltrato ng kanyang amo sa loob mismo ng paliparan sa Dammam. More
Lalaki kulong matapos humirit ng sex kapalit ng naked pics ng ex-gf
01/27/2010 | 04:25 PM
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya – Sa halip na malambot na kama, matigas na rehas ang hinihimas ngayon ng isang 38-anyos na nursing student matapos ipakulong ng kanyang dating kasintahan. More
Shell pinayuhang ayusin ang ‘utang’ na P7B kaysa manakot
01/26/2010 | 11:59 PM
MANILA – Sa halip na sindakin ang gobyerno, pinayuhan ng ilang mambabatas ang pamunuan ng Pilipinas Shell na humanap ng paraan kung papaano babayaran ang P7.3 bilyong utang umano nito sa buwis. More
Sesyon ng Senado nilayasan ni Sen Santiago
01/26/2010 | 09:21 PM
MANILA – Galit na nilayasan ni Senador Miriam Defensor Santiago ang sesyon ng Senado nitong Martes matapos magtalumpati upang ilabas ang galit kay Senate President Juan Ponce Enrile. More
ADVERTISEMENT
Rizal Memorial football field up for renovation
2010-02-09 18:18:11
The Philippine Sports Commission and De La Salle will renovate the 76-year-old football field at...
Jackson doctor out on bail, back for April hearing
2010-02-09 17:59:06
LOS ANGELES — Michael Jackson's doctor returns to court in April to find out the date for the...
New Education chief in ARMM introduces reforms
2010-02-09 23:54:32
ZAMBOANGA CITY – The Education Department in the Autonomous Region in Muslim Mindanao has kicked...