Filtered By: Topstories
News

Sino ang modelo ng UP oblation


Hubo’t hubad na rebulto ng lalaki, nakadipa ang kamay habang nakatingin sa kalangitan, ito ang estatwa na simbulo ng University of the Philippines. Pero totoo nga ba na isang dating sikat na aktor ang naging modelo ng nasabing debuho? Naging maugong noon na si Fernando Poe Sr, ama ng kinikilalang Hari ng Pelikulang Pinoy na si Fernando Poe Jr ang sinasabing modelo ng UP oblation. Ngunit sa isang libro, lumitaw na hindi si Poe Sr kundi si Anastacio Caedo ang modelo ng debuho. Si Caedo ay sinasabing estudyante ni Professor Guillermo Tolentino ang lumikha ng debuho noong 1935. Nais umanong ipakita ni Tolentino sa kanyang obra ang nasyunalismo ng isang Filipino. Ang hubo’t hubad na katawan habang nakadipa ang mga kamay ay pagpapakita ng pag-aalay nito ng sarili para sa bayan. Hindi naglaon, si Caedo ay naging fine arts professors at sinundan ang yapak ni Tolentino sa paglilok. Kabilang sa mga ginawang rebulto ni Caedo ay ang monumento ni Dr. Jose Rizal sa Idelstien, Germany. - GMANews.TV