Ukay-ukay bubuwisan ng DTI
09/05/2007 | 10:22 PM
Balak ng Department of Trade and Industry (DTI) na patawan ng buwis ang mga produktong ibinebenta sa mga tindahang ‘ukay-ukay’ sa bansa.
Iniulat ng GMA News 24 Oras nitong Miyerkules na pag-aaralan ng DTI kung dapat nang maningil ang gobyerno ng buwis sa mga produkto sa ukay-ukay.
Bagamat hindi pa makapagsabi ng eksaktong halagang sisingilin, minamadali na diumano ng DTI ang pagpoproseso nito lalo pa’t malaking halaga ang nawawala sa gobyerno. Malaki rin daw ang nalulugi sa mga may-ari ng paggawaan ng mga damit na nagbabayad ng buwis sa kanilang mga produkto.
Iginiit ni Trade Undersecretary Zenaida Maglaya na kailangang magbayad ng sapat na buwis ang mga may-ari ng ukay-ukay kung hindi ay Bureau of Customs ang dapat humabol sa kanila.
Ayon kay Maglaya, makikipagpulong sila sa Customs at sa mga lokal na opisyal upang tutukan ang pagpapatupad ng planong pagbubuwis.
Sa hiwalay na panayam ng dzBB radio, sinabi ni Maglaya na banta rin sa kalusugan ng mga mamimili ang mga damit na mabibili sa mga naturang tindahan lalo pa’t maaaring galing sa isang maysakit ito.
Nagbabala rin siya na “highly flammable" ang mga damit na galing Tsina na hindi dumaan sa DTI at ibinebenta naman sa mga ukay-ukay. - Mark J. Ubalde, GMANews.TV