Filtered By: Topstories
News

Jpepa pinukol ng maraming puna ng mga senador


Malamang naibasura na ng Senado ang Japan-Philippines Economic Partnership Agreement (Jpepa) kung naisalang ito sa botohan nitong Biyernes, ayon kay Sen. Manuel Roxas II. “I am ‘underwhelmed’ by the presentation of the government panel that, to my estimate, if it were put to a vote today Jpepa would be defeated," ani Roxas, chair ng senate trade committee. Hindi nakumbinse ng mga opisyal ng gobyerno ang mga senador sa mga benepisyong maidudulot ng Jpepa sa Pilipinas, aniya. Hindi rin na-impress sa presentasyon ng government panel ang Senate foreign relations committee, ayon kay Sen. Miriam Defensor Santiago, chair na naturang komite. Mas magaling pa umano ang presentasyon ng mga kontra-Jpepa (ang Junk Jpepa Coalition) kaysa presentasyon ng mga nagtataguyod nito, anang Senadora. Nakita ng mga senador na hindi nagkasundo sa inaasahang benepisyo sa gross national product ang mga representante ng National Economic and Development Authority, Department of Trade and Industry at ng Philippine Institute for Developmental Studies, sakaling ratipikahan ng Senado Jpepa. “It appears from our first hearing that the government officials concerned are having a hard time justifying concurrence with Jpepa," ayon kay Santiago. Dagdag pa ni Santiago, “Our economic relations with Japan is already proceeding on an even field, what will Jpepa add to the present economic relationship, considering all the concessions that we are making for Japan?" Pinuntirya naman ni Sen. Loren Legarda ang "highly restrictive" na quota sa deployment ng Filipino nurses at caregivers sa Japan sa isinusulong na Jpepa. "We definitely would have preferred the market demand-driven deployment of Filipino nurses and caregivers, instead of a prohibitive quota system," dagdag ni Legarda, chair ng Senate committee on economic affairs. Paliwanag ni Legarda, ang “market demand-driven deployment" ay nangangahulugan na hayaan ng Japanese government na mag-hire ng Pilipino nurses ang hospitals at nursing homes sa Japan batay sa kanilang pangangailangan gaya ng ginagawa ng US. Idinagdag ni Legarda na malaki ang pangangailangan ng Japan ng nurses at healthcare workers. Sa ganang ito, responsibilidad ng gobyerno ng Pilipinas na matamo ng Pilipino professionals ang pinakamagandang oportunidad. Nitong Agusto, 31,275 nursing graduates ang nakapasa sa licensure examination, o 48 porsyento sa kabuuang 64,909 na kumuha sa naturang pagsusulit. Sinabi naman ng Philippine Nurses Association Inc. (PNA), hindi patas ang Jpepa para Filipino nurses. Bukod pa umano sa quota-based hiring system, naksaad sa Jpepa na sa loob ng tatlong taon mananatiling assistant nurses lamang ang mga Pilipino. Sa ilalim ng Jpepa, 400 Filipino nurses at 600 caregivers ang papayagang makapasok sa Japan sa unang dalawang taon at dadaan pa sila ng anim na buwang language training. Ayon kay Santiago, “[We senators] are very skeptical about the government [panel’s] justification for ratification of Jpepa. We are very concerned that Japan has launched a campaign, region-wise in Southeast Asia, to conduct or negotiate bilateral economic partnerships with every country including the Philippines." - GMANews.TV

Tags: jpepa
LOADING CONTENT