Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Broadband scandal; Sierra Madre


Episode on September 25, 2007 Tuesday late night after Saksi Broadband deal scandal A report by Maki Pulido Businessman Jose “Joey" De Venecia III, son of House Speaker Jose De Venecia Jr, dropped a bombshell when he exposed alleged irregularities in the $329.4-million deal with China's ZTE Corp. to build the national broadband network (NBN). The businessman linked to the issue prominent personalities such as Commission on Elections Chairman Benjamin Abalos and First Gentleman Jose Miguel “Mike" Arroyo. Some have argued that the deal signed with ZTE last April is illegal because the multi-billion-peso project did not undergo a public bidding, while the government has argued that it is not required because it was an executive agreement. Maki Pulido dissects the controversial – and recently suspended – deal to build the NBN. Lumber A report by Jiggy Manicad The Sierra Madre is the longest mountain range in the country but in recent years, it has become an image of exploitation. The mountain range has been declared a protected area but illegal logging reportedly persists in the area. Some residents explain that the problem has deep causes. Some officials, too, who are supposed to implement laws protecting the Sierra Madre are themselves believed to be abetting illegal logging in the area. Jiggy Manicad asks what authorities should do to address the problem. Watch these Reporter's Notebook stories on Tuesday late night after Saksi on GMA.
Iskandalo sa broadband deal Ulat ni Maki Pulido Tila bombang sumabog ang mga alegasyon ng anak ng House Speaker na si Jose De Venecia III tungkol sa malawakang katiwalian kaugnay ng proyektong national broadband network deal. Walang patumangga niyang idinawit ang ilang malalaking pangalan sa pamahalaan kabilang na si First Gentleman Mike Arroyo. Sinabi rin ng batang De Venecia ang umano'y panunuhol sa kanya ni Comelec Chairman Benjamim Abalos para paatrasin ang kaniyang kumpanyang nagpahayag din ng interes sa proyekto. Habang patuloy ang eskandalong ito, isang executive agreement na ang pinirmahan ng bansa at kumpanyang Zhong Xing Telecommunications Equipment o ZTE sa China noong Abril. Mismong mga opisyal ng bansa ang lumagda rito. Ayon sa ilan, iligal ang kontratang ito. Hindi kasi dumaan sa public bidding ang proyekto at ang babayaran ay hindi raw ang pinakamababang posibleng halaga ng proyekto. Ano ang nasa likod ng kontrobersyang ito? Troso Ulat ni Jiggy Manicad Ang Bundok Sierra Madre ang pinakamahabang bulubundukin sa buong bansa. Pero sa nakalipas na mga taon, nakita ang mga imahe ng pagkasira nito dulot ng mga iligal na gawain sa lugar. Idineklara ito bilang protected area noon. Pero nananatiling sinluma na ng panahon ang problemang ito. Patuloy pa rin ang mga gawaing nakasisira sa kabundukan. Walang habas ang pagputol ng mga puno at pagkakaingin sa lugar. Ayon sa ilang residente, malalim ang dahilan kaya hindi mahinto ang gawaing ito. Ilang mga opisyal mismo ng ahensiyang dapat ay nagpapatupad ng batas ang nagbibigay umano ng kaukulang permiso upang payagan ang mga iligal na gawain. Mahihinto pa ba ang problema gayung tila kinukunsinte ng mga awtoridad ang gawaing ito? Panoorin ang mga kuwentong ito ng Reporter's Notebook sa ika-25 ng Setyembre, Martes ng gabi pagkatapos ng Saksi, sa GMA.