Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

X-rating 'Rights'


Regulation o Repression? Maki Pulido Kamakailan, muling binatikos ang Movie Television Review and Classification Board dahil sa pagbibibigay nito ng X-rating sa pelikulang "Rights." Tinututulan ang short films na nakapaloob sa akdang ito - ang paglabag sa karapatang-pantao, katulad ng mga insidente ng pagpatay sa mga mamamahayag at aktibista. Ayon sa MTRCB, hindi balanse ang pagkakagawa ng pelikula. Pero matapos ang ikalawang pagsusuri, ginawang PG 13 ang rating ng pelikula. Pagtupad nga lang ba ito sa tungkulin o direktang paglabag sa karapatan ng malayang pagpapahayag? Bantay Mamimili Jiggy Manicad Marumi at depektibong produkto. Mga establisyementong hindi nagbibigay ng resibo. Mga bilihing abot hanggang langit ang presyo. Ilan lang ito sa mga karaniwang reklamo ng mga mamimimili. Ngayong malapit na ang Kapaskuhan, tila mas nagiging talamak ang mga ganitong uri ng hinaing. Sa gitna nito, isang ahensya ng pamahalaan ang nagbabantay sa mga ganitong klase ng reklamo - ang Department of Trade and Industry o DTI. Sa kabila ng kampanya ng ahensiya para bantayan ang karapatan ng mga mamimili, marami pa rin ang nakalulusot para isahan ang mga mamimili. Sapat ba ang ginagawang pagbabantay ng mga awtoridad upang siguruhing napangangalagaan ang interes ng publiko?