Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Destination: India


Episode on November 21, 2007 Wednesday late night after Saksi Samahan si Paolo sa kanyang pamamasyal sa ilang mga kilalang tourist destination kung saan matutuklasan niya ang mundo ng puppetry na sikat na sikat sa lugar. Samantala, si Miriam naman ay masasabak sa pagsayaw ng traditional Indian Dance na Khatak at masusubukan ang mag-yoga. Bibisitahin din ni Miriam ang lugar kung saan nagsasanay ang mga beauty queen sa India, kasama ang Pinay na si Patricia na balak sumali sa beauty contest. Dito sasabak si Patricia sa training at kanyang madidikubre na hindi pala biro ang magpaganda. Namaste, India Hindi na bago ang India sa atin. Ngunit kilala niyo nga ba talaga ang bansang ito? Magshe-share ng tips si Paolo kung ano ang mga bagay at klase ng damit na dapat dalhin kung balak pumunta doon. Bibigyan din kayo ng idea kung magkano ang presyo ng mga tirahan at transportation sa India. At ipapasyal kayo sa ilang tourist spots tulad ng Taj Mahal, Humayun’s Tomb at Gandhi Memorial. Ipakikilala din si Patricia, ang Pinay na nangangarap maging beauty queen. Dadalhin siya ni Miriam sa FEMINA, ang sikat na beauty training school kung saan sinasanay ng India ang mga kandidata nito sa major beauty pageants ng mundo. Puppet, magic at sayaw Huwag magpapaiwan dahil bibisita si Paolo sa artists’ colony sa New Delhi. Dito mapapasikatan siya ng iba’t ibang style sa puppetry at magpapakitang gilas din ang isang magician. Samantala, si Miriam naman ay susubukan ang nakalilitong traditional Indian dance na Khatak. Dagdag pahirap pa, habang sumasayaw ay kailangang bigkasin ang mga salitang nakakabuhol ng dila. Makayanan kaya niya ito? Yugyugan at yoga Hindi ito dapat palagpasin: sina Miriam at Patricia, mapapasabak sa yugyugan sa unang workshop ng FEMINA beauty training school. Dagdag pa dito, sinubukan din ni Miriam ang iba-ibang posisyon ng pagyo-yoga. Susubukan ni Miriam na tumayo sa kaniyang ulo o ang headstand position sa yoga. I wanna be a beauty queen Mahirap palang maging maganda. Ito ang nadiskubre ni Patricia nang isabak siya sa sunod-sunod na training classes ng FEMINA mula sa pag-aaral ng tamang exercises hanggang sa paglalagay ng make-up. At alam niyo ba, dumaan din siya sa mga kamay ng isang Smile Designer? Oo, Smile Designer. Itinuro nito kay Patricia ang anim na klase ng ngiti na dapat gamitin sa beauty pageants. Ang bonus pa dito, nakita ni Patricia ang hitsura ng official candidates ng India sa Ms. International, Ms. Earth at Ms. World. Alam niyo ba kung bakit? Kasabay niyang nag-training ang mga ito sa FEMINA.