Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Macaque monkeys, RP 'safari'


Episode on November 28, 2007 Wednesday late night after Saksi In its premiere episode, Born to be Wild takes you on a wild encounter like no other. Away from the bustling city, mountaineer Romi Garduce explores a remote mountain town in Calatrava, Negros where he camps out and lives with wild Macaque monkeys. These monkeys, who are sociable and friendly to people, line up along Calatrava's dirt roads and look to locals and tourists for snacks. They carry along their young, like hitchhikers on the path. Once roaming the mountains as wild creatures far from sight, their numbers now dwindle down to the few who can survive the exploitation of resources with "street smarts". Romi gets a close encounter with these creatures to get to know their ways and the dangers that threaten their existence. Farther down south in Palawan's Calauit Island, Doc Ferdz Recio discovers a curious Philippine safari of sorts. He hops on a safari jeep to visit wild animal after wild animal. But his visit is not for leisure. On this island paradise, zebra, giraffe and other creatures live in misery due to lack of medical attention. Doc Ferdz and the Calauit caregivers give relief to these animals, curing their wounds and attending to their chronic conditions. Far from the comfort of his clinic, where he usually treats domesticated animals, Doc Ferdz finds a different kind of comfort in helping animals in the wild. Through their adventures, Romi and Doc Ferdz discover that what it takes to truly get to know nature is a willingness to explore the unknown, getting out of your comfort zone, and going wild, wild, wild! Catch their first amazing wildlife encounter on Born to be Wild, airing on November 28, after Saksi.

Sa kauna-unahang pagtatanghal ng Born to be Wild, dadalhin namin kayo sa isang kakaibang adventure. Malayo sa maingay na lungsod, tutuklasin ng Everest mountaineer na si Romi Garduce ang bulubunduking bayan ng Calatrava, Negros, kung saan mamumuhay siya kasama ang mga residenteng unggoy na Macaque. Ang mga unggoy na ito, di gaya ng kanilang mga ninuno, ay lumalapit na sa mga tao at minsa'y umaasa na sa mga ito para mabuhay. Paanong namumuhay ang mga tao at unggoy na kapwa naninirahan sa iisang bayan? Ano ang nagtutulak sa mga hayop para lisanin ang kanilang tahanan para makisalamuha sa mga tao? Iyan at ang iba pang suliraning pangkalikasan ang tutuklasin ni Romi. Samantala, sa isang isla sa Palawan, magtutungo ang batikang beterinaryong si Dok Ferdz Recio upang tuklasin ang isang mala-"safari" na paraiso - ang Calauit Island. Pero ang kaniyang pagbisita ay hindi isang bakasyon, kundi isang misyon para tulungan ang mga hayop na matagal nang may sakit. Sa islang ito kung saan makikita ang mga naggagandahang zebra, giraffe, porcupine at kung anu-ano pang hayop... makikita rin pala ang mga problemang matagal nang nangagnailangan ng solusyon. Malayo sa kaniyang klinika kung saan karaniwan siyang nanggagamot ng mga alagang hayop, mararanasan ni Doc Ferdz ang kakaibang tuwa sa pangangalaga ng wildlife. Sa kanilang mga adventure, matutuklasan nina Romi at Dok Ferdz na ang paraan para maka-engkwentro ang kalikasan ay ang pagtahak sa daang di pangkaraniwan. Panoorin ang isang kwentong talaga namang wild ang dating sa Born to be Wild, November 28 na pagkatapos ng Saksi.