Alfie Lorenzo dares Lolit's ghostwriters to come out in the open
Dismayado si Alfie Lorenzo sa pagkakadawit niya sa isyu ng kapwa kolumnistang si Lolit Solis na nahaharap sa P12 million libel case na isinampa nina Piolo Pascual at Sam Milby. Sa kanyang column sa Abante noong Miyerkules, November 21, naisulat ni Alfie, âMistulang Makapili si Lolita [Lolit Solis] na naghahanap ng mga kakampi." Tinatawag na Makapili ang mga taong traydor na halaw sa mga Pilipinong pumanig sa mga dayuhan nang panahon ng mga Hapon. Matatandaan na kinuwestiyon ni Lolit ang pagsasampa ng kaso nina Sam at Piolo laban sa kanya. Aniya, bakit sa kanya lamang umalma ang dalawa gayong ang ibang kolumnista naman daw tulad nina Peter Ledesma, Pete Ampeloquio, at Alfie Lorenzo ay lantarang sinasabing bakla si Piolo. Sa taped interview ng Entertainment Live kahapon, November 24, inamin ni Alfie na nagalit siya nang marinig niya ang tungkol dito. At ang paliwanag ng talent manager kay Lolit, âIsa lang siguro ang one-liner ko, Lolit, magkakapamilya kami dito. Lahat kami nagmamahalan, hindi nagdedemandahan. Siguro natatakot na siya talaga kasi binantaan na siya ni Atty. Joji [Alonso] na makukulong na siya." Sinulat ni Alfie sa kanyang column, âPaninindigan na lamang ba ni Lolita ang sinulat ng kanyang âghost writer" [meron nga kaya?] para hindi mabilad sa publiko na hindi naman pala siya [Lolit] manunulat talaga at iba lang ang sumusulat para sa kanya under her name?" Sabay ang hamon niyang, âSpeak upâGorgy [Rula], Jojo [Gabinete], and Ronnie [Carrasco]. May alam ba kayo diyan?" Sa interview naman ng Entertainment Live, naikuwento ni Alfie, âThree days ago, nakita ako ni Jojo, umiwas. Si Gorgy ayaw din." Sinundan ito nang natatawang pahayag na, âSabi ko, âSiguro isa sa inyo ang kriminal.â" BE RESPONSIBLE. Ito ang isa sa mga naging mensahe ng kolumnista kay Lolit na ngayon ay eded 60 na. Aniya, âSixty years old, how come ganyan pa rin ang ugali niya, e, 60 na pala siya? Ako, aaminin ko, Iâm 70 years old pero gusto kong itama kung anuman yung dapat itama, di ba? At wasakin kung anuman yung mali." Muli ding inalala ni Alfie ang mga panahong nagsama sila ng kapwa kolumnista. Sa kanyang huling mensahe, inihayag niya, âLolit, itâs about time na makilala mo kung sino ang mga tunay mong kaibigan. Kailan ka ba nag-umpisa? Saan ka ba nag-umpisa? Nag-umpisa ka sa akin, a. âMagkakasama tayo sa Tower Productions, I was giving you ten pesos. Nagkasama tayo sa Regal Films, while I was getting P1,000, binibigyan kita ng P100. So, now you think youâre bigger than me? You think you know better than me? Hindi, a! Kailangan, you should be put in your proper place, e," pagtatapos ng beteranong kolumnista. - Philippine Entertainment Portal