Anak ng OFW sa Jeddah lalaban sa Miss World
Isang anak ng manggagawang Filipino sa Jeddah ang lalaban sa darating na Miss World Beauty Pageant na gaganapin sa Crowne Plaza sa Sanya, China sa Disyembre 1, 2007. Si Margaret o Maggie Wilson, 18-taon gulang na anak ng pinaghalong Filipino-Spanish na ina at Scottish-Irish na ama ay makikipagtagisan ng ganda at talino sa 105 na kandidata. Siya ay anak na panganay ni Ginang Sonia Nales Wilson, tubong Bacolod sa Negros at kasalukuyang nagtatrabaho sa Sharbatly Compound bilang guro, at Robert James Wilson na isang Scottish-Irish na nagtatrabaho bilang recreation manager sa Albilad Hotel. Ipinanganak si Margaret sa Negros subalit sa Jeddah na lumaki, kasama ng kanyang nakababatang kapatid na si Beth. Sa isang panayam, inilarawan ni Sonia ang ugali at pananaw ni Maggie sa buhay. Ayon sa kanya, wala silang naging problema kay Maggie simula pa sa pagkabata. "Hindi nâya kami binigyan ng sakit ng ulo. Masyado sâyang independent. Sa school, sa work, ginagawa nâya ang lahat na hindi humihingi ng tulong. Masyado siyang active. Marami sâyang sinasalihan kaya nagugulat na lang ako na minsan may bitbit na sâyang trophy at nananalo sa mga kompetisyon dito," pagmamalaki ng ina. "Isa lang ang nakita ko sa kanya. Strong ang kanyang personalidad Kapag sinabi nâya na gagawin nâya ay gagawin talaga nâya," ayon pa kay Sonia. âBale 13 taon din namin sâyang nakasama dito sa Jeddah bago sâya umuwi sa Pilipinas dahil nag-artista na sâya," dagdag ni Sonia. âHanggang first year lang sâya sa Al Hekma International School at nag-home study na lang sâya sa Angelicum ng sumunod na taon," kuwento pa ng ina ni Maggie. At sa darating na Miss World pageant, nagtitiwala si Sonia sa instinct ni Maggie na gagawin nâya ang lahat upang manalo. âPero sâyempre kung manalo man sâya o hindi ay okay lang sa akin. Ang importante ay nandoon sâya para mag-represent sa Pilipinas." Very proud din ang kanyang ama na si Bob Wilson sa magagandang pangyayari na dumating sa buhay ng kanyang anak. "Nakita ko talaga na determinado sâya sa kanyang ginagawa. Very focused kaya talagang proud ako sa kanya," pagmamalaking ikinuwento ni Bob. Kanyang binaliktanaw noong may lumapit sa kanila sa isang mall sa Manila habang nagbabakasyon at nagtanong kung pwedeng mag-artista si Maggie. Subalit nang panahon na iyon ay hindi pa pinag-ukulan ng pansin ng pamilya ang alok dahil nag-aaral pa siya sa Jeddah. Dumating ang panahon na dahil sa kagustuhan ni Maggie ay pinatulan na ang alok na pasukin ang mundo ng showbiz. Isang malapit sa talent manager na si Douglas Quijano ang naka-discover kay Maggie. Marami na rin sâyang nasalihan na shows sa GMA tulad nang Kakabakaba. Muntik na rin sâyang mapasama sa Marimar pero dahil sa Binibining Pilipinas ay hindi sâya nakatuloy kaya nga ng nakita nâya na naging matagumpay ang Marimar ay nanghinayang talaga si Maggie. Para sa darating na Miss World Finals, ayon kay Sonia, ay excited na siyang pumunta sa China upang mapanood ang anak. âOnce in a lifetime opportunity itong patimpalak na ito at naniniwala ako na makukuha ni Maggie ang korona at maging unang Pilipina na manalo sa Miss World," masayang kwento ni Sonia. Ang mga Filipino sa Jeddah ay natutuwa sa pagsali ni Maggie sa Miss World at buong suporta ang ipinarating nila sa magandang Filipina. Sinabi ni Annette Poynton, kaibigan ng pamilya Wilson, na hangad nila ang tagumpay ni Maggie at maiuwi nito sa ang korona ng Miss World. Si Edgar Julianes naman na nagtatrabaho sa Murad Photo Imaging ay umaasa na makukuha ni Maggie ang panalo. "Bagamat mabigat ang laban ay naniniwala ako na makakaya nâya âyan," dagdag ni Edgar. - Ronaldo Concha, GMANews.TV