Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Behind the scenes of 'Pinoy Exodus sa Lebanon'


Episode on December 8, 2007 Saturday, 11:30 p.m. This Saturday, Sine Totoo features the episode that won for Reporter’s Notebook the recognition as the Best Current Affairs Show at the Asian Television Awards – Asia’s most prestigious competition for television programs. “Pinoy Exodus sa Lebanon" documents Filipinos in Lebanon the week Israeli forces began bombing the Hezbollah last year. Reporter Jiggy Manicad discovers there are more than 30,000 Filipinos caught in the war zone. On his shocking journey, he meets domestic helpers with broken limbs who had to jump off their employer’s balconies and out of windows in order to escape from the war. Many more are still unable to leave. In one poignant scene from the episode, a woman locked up in her employer’s house drops a note from her veranda addressed to Filipino government officials, asking for help so she may be released. Sine Totoo’s Howie Severino interviews Reporter’s Notebook host Jiggy Manicad and executive producer Johnson Tam. Jiggy recalls the anxiety he felt as his team traveled around Lebanon in the midst of bombings and while following around groups of frightened OFWs. Find out why this episode was acclaimed the best in Asia, when “Pinoy Exodus sa Lebanon" airs Saturday late night on Sine Totoo.
Ngayong Sabado sa Sine Totoo, tunghayan ang episode na nagbigay ng parangal sa Reporter’s Notebook bilang Best Current Affairs Show sa katatapos pa lamang na Asian Television Awards – ang pinaka-prestihiyosong kompetitisyon para sa mga programang pantelebisyon sa Asya. Ipinakita ng “Pinoy Exodus sa Lebanon" ang kalagayan ng mga Pilipinong naipit sa Lebanon nang simulang bombahin ng mga pwersa ng Israel ang grupong Hezbollah. Nagulat si Jiggy Manicad na libu-libong Pilipino pala ang nagtatrabaho sa lugar at kailangang ilikas. Ang ilang mga domestic helper, nadatnan niyang bali-bali ang mga buto at may malalaking pasa. Sa gitna ng pambobomba, ikinulong sila ng kanilang mga amo. Para mailigtas ang kanilang buhay, napilitan silang tumalon sa mga bintana upang habulin ang papaalis na mga bus. Nakilala pa nina Jiggy ang isang babae na nasa ikaanim na palapag ng isang gusali. Sa takot na marinig ng mga kapitbahay, ibinato na lamang niya ang isang papel kung saan humihingi siya ng tulong makalikas mula sa gobyerno ng Pilipinas. Nakapanayam ni Howie Severino ng Sine Totoo si Jiggy Manicad at ang executive producer ng Reporter’s Notebook na si Johnson Tam. Dito, ibinahagi nila ang kanilang mga karanasan sa produksyon ng 'di malilimutang storyang ito. Huwag palampasin ang episode na pinarangalang pinakamagaling sa buong Asya – “Pinoy Exodus sa Lebanon" – ngayong Sabado 11:30 ng gabi sa Sine Totoo, dito lang sa GMA.