Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Kung mabuti lang sana ang sistema ng gobyerno...


Magandang araw po sa inyong lahat. Ako po ay isa sa libo-libong tumatangkilik sa inyong programa, at lagi pong nagsusubaybay kung ano pong mga bagong balita po sa inyong programa. Ako po si Ely B. Mata, tubong Malasiqui, Pangasinan at aking maybahay si Aurafe from San Fernando, La Union. Kami po'y nagkakilala noong kami ay nursing students pa lang. Sa aming pagsasama, nabiyayaan po kami ng dalawang magagandang anak. Dahil sa hirap ng buhay d'yan sa atin, taong 2002 nabigyan po ako ng pagkakataon na makapagtrabaho sa England bilang Nurse sa Saint James University Hospital, isa sa pinakamalaking hospital sa buong Europa. It has 3,000-bed capacity. Ang kakayahan ng mga Filipino ay 'di pahuhuli sa banyaga. Ang katayuan ng buhay sa Pinas ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob para lumaban at makipagsabayan sa mga dayuhan. Sa taong 2004, nakuha ko po ang pamilya ko sa England. Then, Jan 2007, nangailangan po ang Royal Melbourne Hospital. I tried to apply, then I was luckily accepted as a Charge Nurse sa General Surgery. Bilang brown in color or dayuhan is really difficult, but challenging situations like this make me stronger and rewarding in the end. Ako po'y umaasa that you can broadcast this to your program para mabigyan po ang mga kababayang Filipino ng inspirasyon..... na kung kaya po namin kaya din po nila. Kung maganda lang po sana ang buhay sa Pinas mas minamabuti ko pang manatili sa atin at mapagsilbihin ang ating mga kababayan. 'Di n'yo po kami masisisi na umalis sa Pinas at makipagsapalaran dito sa abroad. Idinadalangin na lang po namin sana magbago ang sistema ng ating gobyerno. Marami pong salamat sa inyong patuloy na paglilingkod. Ely B. Mata England - GMANews.TV