Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Bohol


Episode on January 10, 2008 Thursday late night after Saksi Mga kuweba ng Bohol Kapag sinabing Bohol, unang-una nating naiisip ay ang Chocolate Hills, tarsier, at ang Loboc River Cruise. Pero hindi alam ng marami, ang Bohol ay tinatawag ding cave country dahil sa mahigit isanlibong kuwebang matatagpuan dito. Dinayo nina Miriam at Joaquin ang bayan ng Danao para tuklasin ang ilan sa mga kuwebang ito. Isang kakaibang adventure sa spelunking o caving ang kanilang naranasan sa Camira Cave, ang isa sa mga naggagandahang kweba ng Bohol. Water tubing sa Bohol Ang "water tubing" ay ang Pinoy-style white water rafting. Imbes na raft, goma na mula sa interior ng gulong ang ginagamit na pampalutang. Isa ito sa mga bagong adventure na nadiskubre ng outdoor adventure group na Eat Danao ng Bohol. Kasama ang grupo, nakipagsabayan sa rumaragasang tubig ng Wahig River si Joaquin. Samahan siya sa isang adventure na talaga namang Pinoy in style and spirit. Tikman ang Bohol Samahan si Miriam na tikman ang ilan sa ipinagmamalaking putahe ng Bohol- halang-halang na manok, nilubihang lambay at guisadong lukon. Pati original broas at ube polvoron ipapakita rin ni Miriam sa atin kung paano gawin. At sa lahat ng mga masasarap na pagkaing ito, nangingibabaw ang hilig daw ng mga Boholano... ang luya. Bakit nga kaya? Aalamin din natin 'yan sa 100% Pinoy.
Tags: 100%pinoy, bohol