Filtered by: Topstories
News

Erap ihahabla ang UN sa ICJ dahil sa 'corrupt tag'


Nagbabalak si dating Pangulong Joseph Estrada na maghain ng reklamo sa International Court laban sa United Nations (UN) dahil sa pagsasama sa kanya sa listahan ng mga pinakatiwaling lider sa mundo. Iginiit ni Estrada nitong Miyerkules na walang basehan ang ginawang pahayag ng UN na naglagay sa kanya sa pwesto na pang-10 sa pinakatiwaling lider sa mundo. “We will file charges against the UN for that baseless statement. They should lay down their basis for tagging me as the 10th most corrupt leader in the world," ayon kay Estrada. Kasalukuyang ginaganap sa Indonesia ang anti-corruption conference ng UN. Sa kanyang pananatili sa pwesto mula 1998 hanggang mapatalsik noong Enero 2001, sinasabing kumamal si Estrada ng mula $78 milyon hanggang $80 milyon. Kasama sa top 10 list ng UN sina Mohammed Suharto ng Indonesia ($15 bilyon hanggang $35 bilyon); dating Pangulong Ferdinand Marcos ng Pilipinas ($5 bilyon hanggang $10 bilyon); Nobuto Sese Seko ng Zaire ($5 bilyon); Sammy Hanatia ng Nigeria ($2 bilyon hanggang $5 bilyon; Slobodan Milosevic ng Serbia Yugoslavia ($1 bilyon; John Claude Covalier ng Tahiti ($300 milyon hanggang $800 milyon; Alberto Fujimori ng Peru ($600 milyon); Pablo Lazarengco ng Ukraine ($144 milyon hanggang $200 milyon at Arnoldo Aleman ng Nicaragua ($100 million). - Fidel Jimenez, GMANews.TV

LOADING CONTENT