Mobile Alerts  Newsletter  Archives  About Us  Advertise with Us Twitter GMANews.TV Facebook GMANews.TV RSS GMANews.TV
Entertainment

Returning sexy actor Mike Magat has 3 new shows on GMA-7

Masuwerte ang muling pagbabalik sa showbiz ng dating sexy actor na si Mike Magat. Tatlo kaagad ang shows na lalabasan niya sa GMA-7. Una na rito ang Joaquin Bordado, pangalawa ang Babangon Ako't Dudurugin Kita, at pangatlo ang Kamandag.

Pero nilinaw ni Mike sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na hindi naman kalakihan ang mga roles niya sa mga nabanggit TV shows na ito. Pasulpot-sulpot lang daw siya pero nagpapasalamat siya at hindi siya nahirapan na maghanap ng acting job sa muling pagbabalik niya.

Aniya, "Natutuwa naman ako kasi mga limang taon din akong nawala sa sirkulasyon at nagtrabaho ako sa ibang bansa. Sa pagbalik ko, hindi ko naman binalak na umarte ulit. Gusto ko lang magnegosyo ulit at makasama ang pamilya ko rito. Malaki na kasi ang anak ko, e.

"Pero siguro nga may lugar pa tayo sa showbiz at noong may makaalam na nandito ako, kinuha na ako mag-guest at nabigyan pa tayo ng mga lalabasan na mga shows. Kaya heto umaarte ulit tayo," masayang sabi ni Mike.

Mga tatlong taon ding nagtrabaho sa Japan si Mike bilang lead vocalist ng isang banda roon. Okay naman daw ang kinikita niya, pero na-miss din daw niya ang showbiz.

"Nakaka-miss din ang mga nakagisnan mong trabaho," pag-amin niya. "Nagsimula ako kasi sa showbiz noong 1992 pa. Nasanay na tayo sa shooting araw-araw. Nagsimula tayo bilang stuntman, hanggang sa magbigyan ng chance na maging extra tapos makasama sa supporting cast at umabot ako sa pagiging lead actor. Marami akong pinagdaanan kaya hindi ko basta-basta makakalimutan ang showbiz."

Nakilala si Mike sa mga sexy films gaya ng Nights Of Serfina, Curacha: Ang Babaeng Walang Pahinga, Ang Babae Sa Bubungang Lata, Phone Sex, Pukyutan, Dalawang Pisngi ng Langit, Saranggani, Sekswal, Hubad Sa Ilalim ng Buwan, Mainit na Bala, Huling Birhen sa Lupa, at iba pa. Nakatambal niya sa mga pelikulang sina Rosanna Roces, Georgia Ortega, Rita Magdalena, Ara Mina, Camille Roxas, Aya Medel, at ilan pang mga dating sexy stars.

Kung may isang sexy star daw ngayon na gustong makita ulit si Mike, ito ay walang iba kundi si Katrina Halili. Sabi ni Mike, nakilala niya si Katrina noong 16 years old pa lang ito at sobrang hilig na raw nitong mag-artista. Naisama pa nga raw niya ito sa kanyang mga shootings noon. Ngunit nang mangibang bansa si Mike ay hindi na sila nagkausap ni Katrina.

"Masaya ako sa nangyayari kay Katrina. Hindi ko akalain na magiging malaking artista siya. Noong makilala ko 'yan, wala pang StarStruck noon. Pero hilig na niyang mag-artista noon talaga.

"Gusto ko lang naman siyang makita ulit at i-congratulate. Natupad na kasi ang mga matagal niyang pangarap. Sana nga, ngayong nagtatrabaho na rin ako sa GMA-7, e, makasalubong ko naman siya para batiin ko siya. Siguro naman kilala pa niya ako hanggang ngayon," pagtatapos ni Mike. - Philippine Entertainment Portal
Other Entertainment stories
Carmina Villaroel still a Kapuso star
02/10/2010 | 12:16 AM
Pumirma ng bagong kontrata ang versatile actress-host na si Carmina Villaroel para sa tinawag niyang pormalidad ng kanyang pagiging Kapuso star. More
Attorney: Brooke Sheen wants case dismissed
02/09/2010 | 09:14 PM
ASPEN, Colo. – Charlie Sheen and his wife were reunited Monday after a judge modified a restraining order and allowed them them to work out their differences following a Christmas Day domestic... More
SI swimsuit edition puts Roddick's wife on cover
02/09/2010 | 07:23 PM
NEW YORK – Model Brooklyn Decker landed the coveted Sports Illustrated Swimsuit cover this year. More
iGMA: 'My5' lets viewers choose their StarStruck Final V
02/09/2010 | 07:09 PM
May napili ka na bang magiging Final V mo para sa judgment day ng StarStruck V? We asked the Survivor 6 what they think of this new twist, kung saan everyone will pick their own Final V, and why... More
Jackson doctor out on bail, back for April hearing
02/09/2010 | 05:59 PM
LOS ANGELES — Michael Jackson's doctor returns to court in April to find out the date for the next major step in the case — a proceeding that will reveal for the first time the evidence the... More
Richard Gutierrez and PEP finally find peace
02/09/2010 | 03:30 PM
Kapuso star Richard Gutierrez and editors of the Philippine Entertainment Portal (PEP) website reached an amicable settlement on Tuesday, regarding the libel suit filed by the actor over an article... More
Ringo Starr honored with Walk of Fame star
02/09/2010 | 03:11 PM
LOS ANGELES — A star for former Beatles drummer Ringo Starr has been added to the Hollywood Walk of Fame. More
Actor Gary Coleman pleads guilty in Utah court
02/09/2010 | 09:31 AM
SALT LAKE CITY – Former child television star Gary Coleman pleaded guilty Monday to a misdemeanor criminal mischief charge related to a domestic violence incident last April. In a deal with the... More
Michael Jackson's doctor pleads not guilty
02/09/2010 | 07:39 AM
Michael Jackson's personal physician pleaded not guilty to involuntary manslaughter Monday, setting the stage for a sensational celebrity courtroom drama as prosecutors attempt to prove Dr.... More
ADVERTISEMENT
TNT Texters to protest hefty fine for walkout
2010-02-09 20:36:39
Deposed Philippine Cup champion Talk 'N Text is set to protest the hefty amount - over P1...
Arangkada nina Pedro at Juan
2010-02-09 15:57:11
Eleksiyon na naman, mga pasahero umaasam na sumakay sa serbisyong sana’y habam-buhay na...
Ohio strip club hosts 'Lap dances for Haiti'
2010-02-09 09:52:11
TOLEDO, Ohio – A strip club in Ohio has raised $1,000 for Haitian earthquake relief during what...
US Embassy: 1 week left for Pinoy WWII vets to apply for benefits
2010-02-09 08:46:05
Filipino World War II veterans have only one more week left to send their applications for...