Filtered By: Showbiz
Showbiz

Singer Jay-R Siaboc denies report of suicide attempt


Mabilis na kumalat ang balita sa attempted suicide diumano ng singer-actor na si Jay-R Siaboc na ang dahilan diumano ay ang girlfriend nito at dating kasamahan sa Pinoy Dream Academy na si Irish Fullerton. Isang nylon cord daw ang ginamit ni Jay-R sa tangka niyang pagpapakamatay sa kanyang inuupahang condominium. (Click here for the report) "ANO AKO, SIRA?" Mariing itinanggi ni Jay-R sa TV host/columnist ng Remate na si Ogie Diaz na nagtangka siyang magpakamatay. Hindi raw niya sasayangin ang kanyang buhay. "Bakit ko naman gagawin ‘yon? Ano ako, sira?" reaksiyon ni Jay-R. Nagtataka si Jay-R kung saan at kanino nanggaling ang balita sa tangka niyang pagpapakamatay. "Feeling ko, merong isang taong nagpakalat ng maling balita tungkol sa akin. Kasi parang sunud-sunod na. Meron na akong idea kung sino, pero ‘pag nakakuha pa ako ng matibay-tibay na ebidensiya, ‘tsaka ko siya iku-confront," pahayag ni Jay-R. Ang matinding dahilan daw ng pagpapakamatay ni Jay-R ay nang mabalitaan niya na may bagong boyfriend na sa US ang girlfriend niyang si Irish. "Hindi totoo yun. Saka kung may boyfriend siya sa US, okay lang sa akin," napabuntong-hiningang sabi pa ni Jay-R. NO TRACE. Bago kumalat ang balitang attempted suicide ni Jay-R dahil kay Irish, nakausap pa ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang mestisang singer sa isang showbiz affair. Walang palantandaan na mayroon o nagkaroon sila ng problema ni Jay-R. In fact, tinanong pa namin si Irish kung bakit hindi niya kasama that night ang boyfriend niyang si Jay-R. Nasa taping daw si Jay-R, pero every now and then ay nagti-text sa kanya ang young singer-actor. - Philippine Entertainment Portal