Filtered By: Topstories
News

Naninigarilyong kabataan dumarami, nahihikayat ng patalastas


May apat na milyong kabataang Filipino sa pagitan ng edad na 11 hanggang 19 ang naninigarilyo na, ayon sa magkatuwang na pag-aaral ng Department of Health (DoH) at World Health Organization (WHO). Batay sa pag-aaral na pinamagatang “Global Youth Tobacco Survey," mahigit 60 porsyento o 2.7 milyon mula sa bilang ng mga kabataang naninigarilyo ay pawang mga lalaki samantalang 1.4 milyon ang mga babae. Isinaad din sa pag-aaral na walo mula sa 10 sa mga na sakop ng pag-aaaral ang nakakita ng mga patalatastas na tumatangkilik sa sigarilyo noong 2007. "By preventing our children from starting to smoke, we can reduce the impact of tobacco on our children," pahayag ni Dr Marina Baquilod ng National Epidemiology Center na nagsagawa ng pag-aaral. Nagbabala si Dr Maricar Limpin, executive director ng Framework on Tobacco Control of the Philippines Alliance, na patuloy na darami ang mga kabataang naninigarilyo hangga’t hindi ipinagbabawal ang patalatastas sa paggamit ng tabako. Ayon kay Limpin, noong 2005 ay nasa pagitan lamang ng 17 hanggang 18 porsyento ang bilang ng mga kabataang naninigarilyo samantalang umakyat ang bilang sa 23 porsyento noong 2007. "This 23 percent could further increase in a matter of three years," babala ni Limpin. Sinabi ni Limpin na dapat ay ipinagbawal na ang mga patalatastas sa sigarilyo noong pang Hulyo 1, 2007 alinsunod sa Sec. 22 ng Tobacco Control Act. Subalit tanging ang Davao City at Legazpi City pa lamang ang tumatalima dito, ayon sa kanya. - Mark J. Ubalde, GMANews.TV