Mobile Alerts  Newsletter  Archives  About Us  Advertise with Us Twitter GMANews.TV Facebook GMANews.TV RSS GMANews.TV
Pinoy Abroad

Erap pwede pang tumakbo sa pagka-pangulo sa 2010 - Goco

Maaaring kumandidato sa 2010 presidential elections ang pinatalsik na dating Pangulo na si Joseph Estrada dahil hindi niya natapos ang kanyang anim na taong termino, ayon kay dating Solicitor General Raul Goco nitong Huwebes.

Sinabi ni Goco na hindi siya nakatitiyak kung maaaring ipatupad kay Estrada ang nilalaman ng Saligang Batas na nagbabawal sa isang dating pangulo na nanungkulan ng anim na taon na muling kumandidato.

Ang pananaw ay ginawa ng dating solicitor general sa regular na pagtitipon ng Manila Rotary Club sa Manila Polo Club sa Makati City kung saan pangunahing bisita si Estrada.

Si Estrada ay pinatalsik sa Malacañang noong Enero 20, 2001 sa pamamagitan ng people power dahil sa mabigat na paratang ng katiwalian sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Sinabi ni Estrada na nilisan niya ang Malacañang upang maiwasan ang pagdanak ng dugo.

Sinabi ni Goco kay Estrada sa pulong ng Rotary Club na maaari itong tumakbo sa 2010 dahil hindi nito natapos ang kanyang termino.

“I submit that he can still run because that very important issue that he was not able to complete his term must be imposed," pahayag ni Goco.

Nagkaroon din ng supresa sa pagtitipon nang iendorso ni Atty. Jesus “Jess" Santos, abogado ni First Fentleman Jose Miguel “Mike" Arroyo ang kandidatura ni Estrada bilang presidente.

Sinabi ni Santos, isang Rotarian, na tagahanga siya ni Estrada.

“Can’t you do something so that you will be our president again?" tanong ni Santos kay Estrada.

Sinabi ni Estrada kay Santos na wala siyang plano ngayon kung muling tatakbo sa 2010 presidential elections.

“It is not easy to answer you at this time. But my objective right now is to unite the opposition to ensure the opposition’s victory in 2010," ayon sa dating pangulo.

Idinagdag niya na: "Whoever will have the highest rating in the surveys, he or she will be the presidential candidate I will support in 2010." - Fidel Jimenez, GMANews.TV
Other Balitang Pinoy stories
Tuition freeze iginiit dahil sa El Nino
03/20/2010 | 10:06 PM
MANILA – Bunga ng pinsalang idinulot ng matinding init o El Nino phenomenon lalo na sa mga lalawigan, nanawagan ang isang senatorial candidate na huwag payagan ng pamahalaan ang anumang tuition... More
Gibo pabor sa military cooperation maging sa ibang bansa
03/20/2010 | 04:53 PM
Inihayag ni administration presidential candidate Gilberto “Gibo" Teodoro na isusulong niya na magkaroon ng military cooperation maging sa ibang bansa katulad ng ipinatutupad na Visiting Forces... More
Dayuhan bawal pa ring magpapako sa krus sa ‘Cutud’
03/20/2010 | 03:06 PM
Dahil sa mga nagdaang kontrobersiya na kinasangkutan ng mga dayuhang nagpapako sa krus sa mga dinarayong senakulo, nagdesisyon ang mga opisyal ng barangay ng San Pedro Cutud sa San Fernando,... More
OFW gives birth on plane; baby gets unique name
03/19/2010 | 11:31 PM
Isang overseas Filipino workers mula sa Dubai ang nagsilang ng kanyang sanggol sa loob ng eroplano habang nasa himpapawid. Pinangalanan ang sanggol na SQ – na hango sa eroplano na sinakyan nilang... More
6 na kandidatong pangulo posibleng idiskuwalipika ng Comelec
03/19/2010 | 07:23 PM
MANILA – Posibleng tatlong kandidato na lang sa panguluhan ang pagpilian ng mga botante pagsapit ng halalan sa Mayo 10 kapag natuloy ang babala ng Commission ng Elections laban sa anim na iba... More
Senatoriable ni Gibo saksi sa pagwawala ng dayuhan sa loob ng eroplano
03/19/2010 | 05:57 PM
MANILA – Nalagay sa peligro ang buhay ng mahigit 100 pasahero ng Philippine Airlines (PAL) Airbus A320 na biyaheng Cebu – kabilang ang isang kandidatong senador - nang magwala ang isang dayuhang... More
May rason bakit ‘di sumasama sa kampanya si Korina - Roxas
03/19/2010 | 04:11 PM
MANILA – Hindi umano nais ni vice presidential bet Sen Manuel Roxas II na makaladkad sa “partisan activities" ang maybahay niyang si Korina Sanchez kaya hindi ito sumasama sa kampanya ng Liberal... More
OFW group handang tumulong sa OAV sa Saudi
03/19/2010 | 12:30 AM
JEDDAH, Saudi Arabia – Nag-alok ng tulong sa konsulada ng Pilipinas sa nabanggit na bansa ang isang grupo ng mga overseas Filipino workers kaugnay sa isasagawang Overseas Absentee Voting na... More
Pondo sa condom gamitin na lang daw sa ibang pangangailangan sa kalusugan
03/18/2010 | 06:09 PM
MANILA – Sa halip na condom, dapat unahin umano ng Department of Health ang pagbili ng mga gamit para sa mga pampublikong pagamutan at health center lalo na sa mga lalawigan. More
Edu Manzano ‘di nakasipot sa panayam ni Mike Enriquez
03/18/2010 | 05:41 PM
MANILA – Sa kabila ng garantiya ni Edu Manzano na hindi aatras sa kanyang kandidatura, nabigo naman itong humarap sa programa ni Mike Enriquez sa dzBB radio kung saan isinasalang ang mga... More
ADVERTISEMENT
End in sight, health care battle tilts Obama's way
2010-03-20 11:02:32
One by one, House Democratic fence-sitters began choosing sides Friday, and the long, turbulent...
Magic waste lead, then beat Heat in OT
2010-03-19 15:55:33
MIAMI — Vince Carter scored 27 points and Rashard Lewis added 24 including a huge...
Intel launches fastest, first 32-nanometer chip
2010-03-19 19:55:42
The Philippine subsidiary of Intel Corp. unveiled to the local market on Friday its fastest...
UK library receives book overdue by 45 years
2010-03-20 13:51:07
LONDON – It's common to return a library book late — but not by half a century.