Paratang na nasa gitna ng katiwalian sa pamahalaan si Arroyo, iresponsable
03/13/2008 | 10:26 PM
MANILA – Tinawag na iresponsable ng Malacanang ang grupo ng mga dating mataas na opisyal ng pamahalaan dahil sa akusasyon na nasa sentro ng katiwalian sa gobyerno si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Sa ipinadalang text message sa mga mamamahayag, binalewala ni Lorelei Fajardo, deputy presidential spokesperson, ang pahayag ng grupong Former Senior Government Officials (FSGO) at tinawag itong "irresponsible and sweeping."
"Having been once holders of significantly high positions in government, they should be the first to know that accusations are merely loose talks if not backed by sustained evidence. From respected government officials, now they have simply become rumor mongers. What a sad turn of events," ayon kay Fajardo.
Sa isinagawang pulong ng FSGO sa San Juan nitong umaga ng Huwebes, kinuwestyon ng grupo ang kakayahan ni Arroyo na patuloy na pamunuan ang bansa.
Ayon sa grupo, tuluyan nang nawala ang kanilang tiwala sa gobyernong Arroyo dahil wala itong ginawa upang tapusin ang katiwalian sa kanyang pamahalaan.
Sinabi ni dating Civil Service Commission (CSC) chairperson Karina David, may pagdududa na ang FSGO kung kaya pa ni Gng Arroyo na pamunuan ang pamahalaan dahil lumilitaw umano na sangkot ang Malacanang sa mga pagtatakip sa maanomalyang transaksyon sa gobyerno.
Wala rin umanong silbi ang pagbasura sa Executive Order 464 na nagbabawal sa mga opisyal ng pamahalaan na dumalo sa pagdining ng Kongreso dahil na rin sa mga ginagawang pagtatakip sa anomalya.
Iginiit naman ni Fajardo na ginawa na ni Gng Arroyo ang bahagi nito na lumabas ang katotohanan sa pagbasura sa EO 464 at Memorandum Circular 108.
Pinuna rin ng tagapagsalita ng Malacanang ang pagtutol ng Senado na tanggapin ang inialok na compromise agreement ng Supreme Court upang mapaharap sa imbestigasyon si Socioeconomic Planning secretary Romulo Neri kaugnay ng ZTE-NBN project.
"The ball is in the hands of the Senate, and the ex-men should ask the Senate to play ball. We only wonder why they insist on making it appear that the President has not done her share in the search for truth," pahayag ni Fajardo. - Fidel Jimenez, GMANews.TV

READER'S FEEDBACK:
From: Bing in Koshi, Japan
Sent: Friday, March 14, 2008 9:16 AM
Hello!
Pakipaabot nga nitong message ko kay Ms Lorelie Fajardo. Na sana manahimik na lang muna siya.
Naiintindihan ko ang panig n'ya. Ginagampanan lang n'ya trabaho n'ya. Kaya lang nakakainis na magsasalita pa siya ng marami para i-please ang amo n'ya.
Kung talagang matalino siya, huwag na lang muna siyang magsalita. Nagdadagdag lang siya ng sama ng loob sa mga hindi na naniniwala at wala na talagang tiwala sa pamahalaang Arroyo.
At any rate, she's receiving much. I'm sure hindi naman siya bingi at bulag sa tunay na sitwasyon ng bansa at kung ano talaga ang pangangailangan ng mga maralita.
Huwag na sana tayong magmamaangmaangan, magbubulagbulagan at magbibingibingihan pa sa tunay na pangangailangan ng nakararami sa ating lipunan.
Tama na ang kasakiman! Be a true Christian!