Filtered by: Topstories
News

Paggunita sa Semana Santa naging mapayapa


MANILA – Idineklara ng Philippine National Police (PNP) na naging mapayapa ang paggunita ng mga Filipino sa linggo ng Semana Santa ngayong taon. Sa panayam ng dzBB radio nitong Linggo, pinuri ni PNP chief Dir. Gen. Avelino Razon Jr ang pagkakaisa ng mga pulis at publiko upang maging mapayapa ang pangkalahatang paggunita ng Semana Santa. "Naging very peaceful, orderly, walang untoward incident sa pagselebra ng Semana Santa dahil sa pagpursigi ng ating kapulisan at ng ating mamamayan," pahayag ni Razon. Sa kabila nila, patuloy umano ang Lakbay Alalay ng PNP upang umalalay sa mga Filipino na uuwi mula sa kanilang mga lalawigan. Magpapatuloy umano ang pagsuporta ng mga pulis sa mga bakasyunista hanggang magbukas muli ang klase sa Hunyo. "Patuloy yan sa ating pag-maintain ng police visibility. Sisipagin ka naman sa nagsipagbakasyon," ayon kay Razon. - GMANews.TV