Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Lucky lapu-lapu, ATV, boatmen and rice


Episode on April 12, 2008 Saturday, 8:30 p.m. Lapu-lapu fish cage trade The grouper of lapu-lapu is one of the most prized fishes of the sea. But among the 40 kinds of groupers, the red grouper is said to be the most special. Aside from it's distinct flavor, the red grouper commands a high price when it is exported live to HongKong and China where it is considered as a "lucky fish." In the island of Taytay, Palawan, the red grouper or "suno" in their language is the primary source of income of most residents. They breed the groupers in fish cages submerged 80 feet below sea level, said to be the required depth for the fish to grow big and heavy. Once fully grown, the groupers are sold to the "nagbubuhay-buhay" or merchants who make the fish "sleep" so they can be transported live to Manila and to other countries. Behind the red grouper trade are the caretakers of the fish cages who dive under the sea using primitive and dangerous compressors. They willingly sacrifice priceless health and safety just to breed the prized red groupers that bring luck and livelihood to the islanders of Palawan All Terrain Vehicles (ATV) A new fad has hit the beaches this summer, the All Terrain Vehicle (ATV). ATVs have huge wheels that make them suitable for uneven, rocky or muddy terrain. It's easy to ride and navigate making it popular among beach goers. An ATV can cost up to a hundred thousand pesos but it is commonly rented out for P500 an hour. Aside from being used for recreation, ATVs also serve other purposes. In San Mateo, Rizal, ATVs are used for racing. While for a polio patient named Erik, the ATV is a useful and reliable alternative to a wheelchair. Bangkero Festival Boatmen play a vital role in Pagsanjan, Laguna's tourism. They bravely navigate through huge rocks and raging rapids to safely bring tourists to the popular Pagsanjan Falls. To recognize their valuable contribution, Pagsanjan celebrates an annual "Bangkero Festival." Aside from fluvial parades, swimming competitions and boat races, the boatmen also compete for the title of "Ginoong Bangkero." Rice Whether there's a rice crisis or not, one thing is for sure, Filipinos once again took notice of how valuable rice is to the country. Most of us still feel that a meal is incomplete without rice. Just like Congressman Teddy Locsin who even brings his own rice cooker everywhere he goes so that he can have his fill of rice. Meanwhile, certain tribes also consider rice as an important part of their Thanksgiving rituals for a bountiful harvest. On the other hand, stores selling affordable rice are barely noticed in Argao, a town in Cebu. Instead, residents line up at local corn mills. Since rice is hard to come by in their area, they have integrated corn as a staple food in their daily meals.
Lapu-lapu fish cage trade Isa sa mga bidang-bida isda sa karagatan ang Lapu-Lapu! At sa halos 40 uri ng lapu-lapu dito sa Pilipinas, ang Pulang Lapu-Lapu raw ang pinakanatatangi. Bukod kasi sa sarap nito, mahal din itong nai-eexport nang buhay sa ibang bansa, lalo na sa HongKong at China kung saan itinuturing itong swerte. Sa isla ng Taytay, Palawan, Pulang Lapu-Lapu, o “suno" sa kanilang lenggwahe, ang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga residente rito. Inaalagaan at pinapalaki nila ang mga ito sa mga fish cage. Pero ang mga fish cage na ito hindi ipinalulutang sa tubig tulad ng nakagawian. Sa halip, inilulubog ito ng mahigit 80 talampakan. Sa ganitong lalim lang daw kasi mapapalaki nang malusog at nasa tamang timbang ang premyadong isda. Kaya naman ang mga nagfi-fish cage, pilit sinisisid ang kailaliman ng dagat gamit ang mapanganib na compressor maalagaan lang ang Pulang Lapu-Lapu. Ito ay kahit pa, kalusugan at kaligtasan nila ang nakasalalay. Kapag tama naman na ang laki ng mga isda, ibinibenta na ito sa mga “nagbubuhay-buhay" o iyung mga nagpapatulog ng mga Lapu-Lapu…para maipadala na ito ng buhay sa Maynila…at sa ibang bansa. Sisirin ang kwento ng buhay ng mga taong tinataya ang kanilang buhay…maalagaan lang ang mga isdang nagdadala raw ng swerte at kabuhayan sa mga taga-Palawan. All Terrain Vehicles (ATV) Ngayong summer, may bagong hit na hit sa mga beach --- ang mga ATV o All Terrain Vehicles. Isang uri ng sasakyan na may malalaking gulong na kayang-kayang makipagsagupaan sa mga bato-bato at malulubak na daan. Masarap daw itong sakyan, madali pang matutunan. Ang halaga nito, umaabot ng daan-daang libo. Pero pinarerentahan ito sa mga beach ng P500 kada oras. Sa San Mateo, Rizal naman ang mga ATV, ginagamit sa karera. Humaharurot at umaarangkada ang mga ito sa mga bulubunduking bahagi ng San Mateo. Pero ang ATV, hindi lang ginagamit sa pangkarera at pang-adventure. Tulad na lang sa polio patient na si Erik, ito na halos ang tumatayo niyang “wheel chair." Mas mainam nga lang ito dahil mas maraming lugar itong kayang puntahan. Bangkero Festival Malaki ang naitutulong ng mga bangkero sa turismo ng Pagsanjan, Laguna. Sila ang sumasagwan sa mga bangka para maihatid nang ligtas ang mga turista sa sikat na sikat na Pagsanjan Falls. Hindi biro ang kanilang trabaho lalo na’t sinasangga rin nila ang mga naglalakihang bato sa mga rumaragasang agos na pagdadaanan ng mga sakay-sakay nilang turista. Bilang pagkilala sa kontribusyong ito ng mga bangkero, lalo na sa turismo ng Pagsanjan, taun-taong idinadaos ang “Bangkero Festival." Sa pagdiriwang na ito merong fluvial parade, swimming competition, karera ng bisikleta at boat racing. Pagsapit naman ng gabi, rumarampa ang mga magtatagisang bangkero para sa titulong “Ginoong Bangkero 2008." Tayo ng makisaya sa Bangkero Festival ng mga taga-Pagsanjan. Bigas Nagkukulang man o hindi ang supply ng bigas sa bansa, isa ang tiyak, muling napagtuunan ng pansin ang kahalagahan sa atin ng bigas. Lalo pa’t ang Pilipinas, tinuturing na isang “rice eating country." Pakiramdam nga natin hindi kumpleto ang isang kainan kung walang kanin. Si Congressman Teddy Locsin nga masyadong partikular sa kanin. Kahit saan siya pumunta, dala dala niya ang kanyang rice cooker na may lamang kanin na siya mismo ang nagsasaing. At hindi lang sa hapag-kainan natin kasalo ang kanin. Dahil maging sa mga tradisyunal na ritwal ng ilang tribu, ginagamit din ang mga bigas bilang pasasalamat naman sa kanilang masaganang ani. Pero sa Argao, isang bayan sa Cebu, hindi pinagkakaguluhan ang mga tindahan ng murang bigas. Sa halip, ang pagilingan ng mais sa kanilang lugar ang pinipilahan. Mais at hindi kanin kasi ang kadalasang nasa hapag-kainan ng mga taga-rito. Mahirap daw kasi magpatubo ng palay sa kanilang lugar. Kung bibili naman sila sa bayan, mahal ang bigas. Kaya sa imbis na bigas, mais ang kanilang sinasaing.