Filtered By: Topstories
News

Makabagong sistema sa accounting itinutulak


JEDDAH, Saudi Arabia - Ang Philippine Institute of Certified Public Accountants (PICPA) Western Region Chapter - Jeddah ay nagsulong ng paggamit ng International Financial Reporting Standard (IFRS) bilang pagsunod sa itinalaga ng national office na full compliance noon pang 2005. Sa kanilang first general assembly na ginanap sa Ramada Hotel kamakailan, ipinaliwanag ng bagong chapter president na si Rhic S. Briones na ang IFRS ay isang pandaigdigang “trend" na may layuning maging lubos na transparent at magkaroon ng mas mataas na uri ng paghahambing ng financial reports sa kapakanan ng mga mamumuhunan at isang mahalagang pagbabago upang makamtan ang mithiing magkaroon ng iisa or “uniform" financial reporting standards na tanggap ng buong mundo. Iminungkahi ng nakaraang chapter president na si Reggie Maga na hikayatin ang mga miyembro na ipagpatuloy ang pag-aaral upang mapanatili ang global professionalism at competitiveness ng Filipino accountants. Kanya ring ipinaalam ang pagsasagawa ng IFRS workshop at inaanyayahan ang mga aktibong miyembro na makilahok. Bukod sa IFRS, idinaos din ang panunumpa ng mga bagong miyembro ng board at iba pang opisyal sa pangunguna ni Briones at mga bagong kasama sina Chito Arceo, Omar Bakong, Bernie Eseo, Errol Esguerra, Christy Jalico, Tom Viado, at Resan Saugibo Pinasalamatan ng dating pangulo na si Dennis Durens ang kanyang mga dating kasamahang opisyal at mga miyembro sa kanilang partisipasyon sa mga aktibidades na isinasagawa tulad ng pagbibigay ng accounting seminars sa non-accountants para na rin sa paghahanda ng mga kababayan na nakikipagsabayan sa lipunan bilang bagong entrepreneurs. Sinabi rin ni Durens ang pag-sponsor ng kanilang chapter sa scholars sa Pilipinas na mayroon na rin silang napagtapos nitong buwan ng Marso. Ang pagsimula sa pagbuo ng FhilGlobal Cooperative, isang bagong tatag at rehistradong kooperatiba sa Pilipinas na ang mga miyembro ay halos chapter members dito na ang layunin ay makapagpundar ng magandang negosyo sa Pilipinas. Nagtayo rin anmg grupo ng toastmasters club upang matulungan ang mga kaibigan at mga miyembro ng grupo na ma-develop bilang epektibong communicators at magaling na pinuno. Dumating sa pagtitipon si Vice Consul Lorenzo Jungco IV bilang panauhing pandangal na nagbigay inspirasyon sa grupo para sa kanilang isinusulong na maging magaling na propesyunal sa larangan ng accountancy. Hinikayat naman ni Briones ang lahat ng mga hindi pa miyembro sa Jeddah, Rabigh, Taif at mga karatig lugar na magparehistro at maging aktibo para magtulungan ang bawat isa at masanay sila bilang mapagkakatiwalaang propesyunal sa larangan ng accounting at finance. Nagbigay din ng seminar ang National Commercial Bank (NCB) na s’yang sponsor ng PICPA sa kanilang general assembly sa pangunguna ni Lex Lavin tungkol sa Quick Pay money transfer na s’yang pinakabagong serbisyo sa pagpapadala ng pera sa Pilipinas na inilunsad ng NCB kamakailan. Nakapaloob sa bagong serbisyo ng NCB ang mabilis at madaling pagpapadala ng pera katulong ang SmartCash Card sa Pilipinas. Ayon kay Lavin, hindi na kailangan pang pumila sa remittance centers upang magpadala ng pera at hindi na rin kailangan ng beneficiary na pumunta pa sa mga lugar na pinagpadalahan ng pera. Pwede na sa kahit saan na may ATM machines sa Pilipinas ay makukuha na nila ang perang ipinadala. Ang pulong ay dinaluhan ng nakaraang chapter presidents tulad nila Ben Guerra, Raffy Bisamis, Efren Rodriguez, Reggie Maga at Joey Guhit. Pinarangalan din ang chapter honorary members sa kanilang mga importanteng kontribusyon sa chapter at sa larangan ng accounting. Ang mga bagong opisyal at board of directors para sa taong 2008-2009 ay sina: president - Rhic Briones; VP-operations Ben Consolacion; VP-professional development - Rayhana Guinomla; secretary - Jeizel Marinas; treasurer - Lino de Vera; auditor - Sonny Layug; P.R.O - Roger Layug; at, president-elect para sa 2009,si Joey Villanueva; Walter Paraiso - community services; Ephraim Paraiso - publications, Felito Tavo - sports and culture; Rommel Pino - finance; Jo-Ann Llanes - meetings; Roger Ates - membership; at Fermin Vidal - special projects. - Ronaldo Concha, GMANews.TV