Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Rice hoarding and rebagging exposed on Imbestigador!


Episode on April 19, 2008 Saturday, 9:30 p.m. The Philippines has 14 million hectares of agricultural lands. Ironically, the country depends on importation for its main staple: rice. The public fears a rice shortage because of the increasing prices of rice imports and its decreasing local production. Rice sold by the National Food Authority used to be available in public markets. Today the government is strictly regulating the selling of NFA rice. People line up for hours and could only purchase up to three kilos of rice. The government has also been more alert to rice hoarding. Still a number of companies take advantage of the looming rice crisis. Together with the NBI, Imbestigador discovers warehouses in Bulacan and Laguna rebagging rice from inverted NFA sacks. The rice are then sold at a higher price as premium or commercial rice. Also on Imbestigador this week, anomalous transactions of Culion, Palawan officials and the threat of serious landslide due to illegal quarrying along Kennon Road in Baguio City.
Rice shortage o kakulangan sa supply ng bigas ang mainit na isyung tinututukan ngayon ng publiko. Ang murang NFA rice na dating mabibili sa mga palengke, ngayon limitado nang ibinebenta. Pila-pila at hanggang tatlong kilo lang ang maaring bilhin ng bawat tao. Lalo pang pinalalala ang sitwasyon ng mga diumano’y talamak na hoarding o pag-iimbak ng supply ng bigas sa mga bodega at pagre-repack ng murang NFA rice para ibenta sa mas mataas na presyo bilang commercial rice. Ngayong Sabado, ibubulgar ng Imbestigador ang mga ganitong raket sa bigas. Sa Bulacan, isang warehouse ang nagtatago ng milyun-milyong halaga ng bigas na nasa baligtad na sako ng NFA. Inihahalo ito sa ibang klase ng bigas at ibinebenta ng mas mahal. Sa Laguna, huli rin sa akto ang rebagging ng mga bigas na nakalagay din sa baligtad na sako ng NFA. Inililipat naman ito sa mga sako ng primera klaseng bigas. Samantala, sa summer capital ng Pilipinas, pinangangambahan naman daw ang landslide dahil sa pag-quarry ng mga lugar malapit sa Kennon Road sa Baguio City. Kaya ang DENR at Imbestigador to the rescue sa mga katutubong Igorot at residenteng nagrereklamo. Sa Maynila, susuyurin ng Imbestigador ang mga establisimiyentong nagpapalabas ng maiinit at bawal na palabas sa entablado tuwing tanghaling tapat. Matapos mapanood ang surveillance video ng Imbestigador, mismong si Mayor Alfredo Lim ang nag-utos na itigil ang mga kalokohang ito sa kanyang nasasakupan. Sa munisipyo ng Culion, Palawan iimbestigahan ang mga kaduda-dudang transaksiyon ng alkalde. Wala naman daw nakitang pinagkagastusan pero ayon sa mga dokumento ay naglabas ng pondo para sa sportsfest at intelligence fund. Bubusisiin din ang lupang pinapa-develop ni mayor na ang mga trabahador daw ay nasa payroll ng munisipyo.