Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Saan sa Sagada?


Episode on April 28, 2008 Monday late night after Saksi
Howie travels through Sagada with his trusty bike Bughaw
This summer, Howie Severino rides the Cordillera's killer mountain trails on his bike Bughaw to search for the legendary wild horses of Sagada.
Sagada's legendary wild horses
Howie had been a constant visitor to Sagada in his youth, but this was his first visit in ten years. This homecoming to Sagada becomes a series of revelations about change -- in Sagada, in the country, and in Howie's aging self -- but also a journey to connect with the past. Hovering above everything is the image of the wild horses, and Howie's unfinished task of seeing them for the first time. Are they alive? Or were they a myth all along?
Ngayong tag-araw, sa Sagada ang tuloy ni Howie Severino at ng kanyang bike na si Bughaw. Ang paglalakbay na ito ay isang pagbabalik sa nakaraan. Madalas ang pagbisita ni Howie sa Sagada noon, ngunit natigil ito sampung taon na ang nakararaan. Ngayong Abril lang niya muling makikita ang lugar.
Howie bikes through Sagada's cemetery
Hahanapin niya ang mga dating kaibigan, makikilala ang mga bago, babalik sa mga dating natuklasan at maghahanap ng mga bagong tutuklasin.
Howie engages Kidlat Tahimik in a camera duel
Ang pagbabalik sa Sagada ay isang maaksyong pagninilay-nilay tungkol sa pagbabago: sa Sagada, sa bansa, at sa sariling pagtanda at pagkamulat. Sa lahat ng ito, mangingibabaw ang larawan ng mga wild horses o kabayong ligaw. Mahigit dalawampung taon nang naririnig ni Howie ang alamat ng mga kabayong ligaw dito, ngunit hindi pa niya ito nakikita, kahit man lang sa litrato. Ang mga ito ang nagtulak sa kanyang lakbayin muli ang Sagada.