Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

The search for Anabelle


Episode on May 3, 2008 Saturday, 9:30 p.m. Anabelle has gone missing for several months now. According to her husband, his 32-year-old wife ran away with another man. Anabelle, he claims, is now working in Kuwait. Anabelle’s family, however, refuses to believe his story, especially since their children say they saw him shoot their mother. With the help of Imbestigador, Anabelle’s family finds out arrest warrants for her husband who was involved in a number of crimes. Authorities would have a hard time arresting Anabelle’s husband, a former soldier. When he is finally under police custody, the husband insists he does not know where his wife is. This, in spite their children’s persistent tales of seeing him dragging and shooting their bloodied mother. After several hours, Anabelle’s husband finally confesses. Together with Imbestigador, her family discovers where Anabelle’s body was hidden all these months. Tune in to this terrifying investigation this Saturday on Imbestigador.
Ilang buwan nang pinaghahanap ng kaniyang mga kamag -anak si Anabelle. Ayon sa kaniyang mister sumama daw ang tatlumpu’t dalawang taon na si Annabelle sa ibang lalake. OFW na raw sa Kuwait ang kaniyang misis. Pero duda ang pamilya ni Anabelle sa kwento ng asawa niya. Mismong mga anak kasi nila ang nagsasabing binaril ng ama ang kanilang ina. Nang magpatulong sa Imbestigador, napag-alamanng may arrest warrant na pala ang mister ni Anabelle para sa sari-saring krimen na kaniyang kinasasangkutan. Hindi naging madaling arestuhin ng mga awtoridad ang mister na dating sundalo pala. Nang madakip, hindi agad ito aamin kung nasaan si Anabelle. Paulit-ulit namang sinasabi ng mga musmos niyang supling na nakita nilang “duguan at nilagyan ng butas sa tiyan" ng tatay nila si Anabelle. Makaraan ang ilang oras, umamin din si mister! Kasama ang Imbestigador, matutuklasan ng pamilya ang di inaasahang pinagdalhan sa bangkay ni Anabelle. Abangan ang kagimbal-gimbal na paghahanap kay Anabelle ngayong Sabado sa Imbestigador. Iba pang istoryang iimbestigahan: Bahay ni ex-kap Noong 1992, nag-donate ng isang barangay hall si dating Senador Joey Lina sa Barangay 150 sa District 2, Tondo, sa pamumuno ni dating Chairman Ernie Ortega. Noong nakaraang barangay eleksyon, natalo ni Eduardo de Guzman si dating Chairman Ramon Caillan bilang kapitan ng Barangay 150. Ang isa sa mga proyekto na balak sana ilunsad ni Kapitan de Guzman ay magtayo ng day care at reading center para sa mga bata ng barangay sapagka’t marami sa kanila ay walang panggastos sa pag-aaral. Balak sana magtayo ng extensyon sa itaas ng baranggay hall upang magsilbing day care at reading center. Nguni’t ang paggawa nito ay naudlot dahil sa inako ng dating Kapitan Caillan ang kalahati ng barangay hall at ginawa itong pribadong bahay kung saan siya nakatira ngayon. Inilapit ito ni Kapitan de Guzman at ng ilan sa mga kagawad ang problemang ito sa barangay bureau nguni’t ayaw pa rin i-turnover ni Caillan ang nasabing barangay hall. Pasugalan ni Chairman? Sa Barangay 31 sa Cavite City , isang pasugalan daw ang matatagpuan. Ayon din sa impormante sa NBI, kapag tirik na tirik ang araw sa katanghalian ay nagsisimula na ang pustahan. Ang nakakapagtaka pa dito, nasa harapan ng barangay hall mismo ang lamesa ng sugalan. Tila bulag-bulagan si Chairman sa tatlong taon ng operasyon ng sugalan. Sa pagmamanman ng Imbestigador sa lugar, natuklasan ng aming grupo na hindi nag-iisa ang sugalan. Sa karatig barangay, sa Brgy 27, matatagpuan rin ang isang saklaan. At talaga namang mangigitngit ka sa galit dahil ang Chairman ng barangay na ito ang siya pang parokyano ng sugalan. Ano ba yan?
Tags: imbestigador