Filtered By: Showbiz
Showbiz

Snooky Serna's mother Mila Ocampo dies


Sumakabilang-buhay nitong umaga ng Miyerkules ang ina ng aktres na si Snooky Serna na si Mila Ocampo. Si Mila (Milagros Rodriguez Sumayao sa tunay na buhay) ay dati ring aktres mula sa LVN Pictures. Edad 16 nang madiskubre siya ng may-ari ng LVN na si Narcisa B. Vda. De Leon o mas kilala bilang "Doña Sisang." Dahil sa ipinadalang litrato ng kaibigan ni Mila na tubong Iriga, Camarines Sur, natipuhan kaagad siya ni Doña Sisang at inalok na maging artista noong 1958. Nang sumunod na taon, itinanghal siyang Miss PPP (Press Photography of the Philippines) at agad na lumabas sa una niyang pelikulang Takdang Sandali. Kasama niya rito sina Amado Cortez, Gloria Sevilla, at si Von Serna – na naging asawa ni Mila, at ama ni Snooky.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Maaalala rin si Mila sa mga pelikulang Biyaya ng Lupa (1959), Alyas Palos (1961), Twinkle Twinkle Little Star (1971), Under-Age (1980), Zuma (1985), Sinungaling Mong Puso (1992), Paano Kung Wala Ka Na? (1997) at Dugo Sa Pantalan (1965) kung saan na-nominate siya sa kategoryang Best Actress sa Famas Awards. Pumanaw si Mila dakong 10:30 am dahil sa sakit na emphysema (sakit sa baga, na sanhi ng pagkakapos sa paghinga). Ilalagak ang kanyang mga labi sa Royal 1 Chapel ng Holy Trinity Memorial Chapels sa Dr. A Santos Ave., Parañaque City. Sa Sabado siya nakatakdang i-cremate. Nakikiramay ang PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Snooky at sa mga mahal sa buhay ni Mila Ocampo. - Rommel R. Llanes, PEP