Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP: Mark Anthony willing to work with Claudine Barretto again


Marami ang bumati kay Mark Anthony Fernandez sa magaling na performance niya sa last episode ng drama ni Claudine Barretto sa GMA-7. Ipinalabas ang last episode ng Claudine noong August 7. Natuloy nga rin ang pagsasama nina Mark at Claudine pagkatapos magkita at magkausap ng dating magkasintahan sa Showbiz Central. Kitang-kita pa rin daw kasi ang chemistry nilang dalawa, lalo ngayon at mas mature na sila kesa noon. Natuwa naman si Mark dahil sa mga magagandang komento tungkol sa acting niya sa episode na iyon with Claudine. Umaasa si Mark na muli niyang makatrabaho si Claudine sa iba pang shows sa darating na panahon. "Nakakatuwa nga kasi hanggang ngayon, we get positive feedback sa ipinakita namin ni Claudine sa episode na 'yon," sabi ng aktor. "Kasi nga, reunion namin 'yon after naming muling magkita sa Showbiz Central. I enjoyed acting again with Claudine at hindi ko inakala na gano'n pa rin ang effect ng pagsasama namin on television. Marami ang humihiling na magsama pa ulit kami. "Sana nga. Kung may magandang project bakit hindi, di ba? Sinabi ko naman na I will always be available for someone like Claudine. Lalo na't magkaibigan na ulit kami, we can work any time basta maganda ang project for both of us." Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mark Anthony sa presscon ng "Say I Do" episode ng Lovebug noong Martes, August 24, sa Executive Lounge ng GMA Network Center. SOMEWHERE REMAKE. Marami rin ang nagre-request na pelikula naman ang gawin nila since nakapag-movie comeback na si Claudine via the box-office hit In Your Eyes ng GMA Films at Viva Films. "Mas maganda siguro 'yon, di ba?" pagsang-ayon naman ni Mark. "Napag-usapan naman namin 'yon at bahala na ang producers na gawan kami ng istorya. Marami ang may gusto na love story ang gawin namin. Okey lang 'yon. Pero kung ako ang tatanungin, gusto ko sana may halong action para mas exciting!" May balitang ire-remake daw ng Viva Films ang 1984 movie na Somewhere, na pinagbidahan ng yumaong ama ni Mark na si Rudy Fernandez at ng stepmother niyang si Lorna Tolentino. Sina Mark at Claudine daw ang magbibida sa remake nito. Anong masasabi ni Mark? "Wala pa akong alam tungkol diyan, e," sagot niya. "But it's a good project for us. Unang-una, si Papa ang nagbida sa movie na 'yon at si Tita Lorna ang leading lady niya. Okey lang na gawin namin 'yon kung totoo ngang may balak na i-remake 'yon. "But it would be better siguro kung isang original story na lang. Yung babagay sa aming dalawa ni Claudine. Mahirap na kasing ma-compare ako sa performance ni Papa sa anumang pelikula niya. Para mas safe at hindi masyadong pressured, isang original story na lang." LOVEBUG. Kailan lang natapos ang kantaseryeng Diva, na pinagbidahan nina Regine Velasquez, TJ Trinidad, at Mark. Pero heto at may bagong show ulit si Mark kunsaan kasama naman niya si Lovi Poe—ang Lovebug Presents Say I Do. Kuwento ni Mark, bigla siyang tinawagan para sa taping ng Lovebug. Pinaplano pa naman daw niya ang magiging bakasyon niya dahil matagal siyang hindi nakapaghinga dahil sa Diva. Pero hindi naman daw siya tumangging gawin ang Lovebug dahil ayaw niyang humindi sa trabaho. "Okey lang kasi ilang taping days lang naman. Sayang din ito, di ba?" sabi niya. "'Tsaka si Lovi Poe ang makakasama ko. Nabanggit ko before na gusto kong makatrabaho either si Lovi or si Jennylyn Mercado. Parang natupad na ang wish ko na makatrabaho si Lovi." Isa pang rason kung bakit nag-yes si Mark sa Lovebug ay dahil kasama dapat sa cast ang ina niyang si Alma Moreno. Gaganap sanang mga magulang niya si Alma at ang stepfather niyang si Joey Marquez. Bigla raw nag-back out si Alma sa project, pero may valid reason naman daw kung bakit hindi ito tumuloy. Si Carmi Martin ang kinuhang kapalit ni Alma bilang asawa ni Joey. "Busy kasi Mama sa work niya as councilor of Parañaque City," paliwanag ni Mark. "Tapos she's also the national secretary-general of the Philippine Councilors League. Marami silang gagawing projects kaya hindi na raw niya maisisingit ang schedule ng taping for Lovebug. "Gusto sana niya kasi matagal din daw siyang hindi nakaarte sa TV. But duty calls at iyon ang uunahin niya. And it's not true na tinanggihan niya ang paglabas sa TV dahil kasama sa show si Tito Joey. They've remained good friends and she doesn't mind working with him again. Naging hectic lang talaga ang schedules ni Mama kaya hindi siya natuloy sa Lovebug." Maayos naman na nagkausap sina Mark at Alma kaya walang katotohanan na nagtatampo ang aktor dahil nag-back out ang ina sa pagsasamahan sana nilang TV drama. Ako pa?" bulalas ni Mark. "Naiintindihan ko naman si Mama. She's very focused now sa ibang career. Mas priority talaga niya ang trabaho niya as councilor kesa sa trabaho sa showbiz." - Ruel J. Mendoza, PEP