Filtered By: Showbiz
Showbiz

iGMA: Sheena Halili's inspiration in GMA 7's Bantatay


Ano nga kaya ang dahilan at very excited si Sheena Halili palagi sa set ng Bantatay? Patuloy ang magandang takbo ng Bantatay ngayon, and very happy ang kanilang cast not only to work every day para sa mga viewers, but to share knowledge on how to take care of your pets as well sa dulo ng bawat episode ng Bantatay. Of course, isa sa mga certified pet lovers sa cast ng Bantatay si Sheena Halili, at aminado siyang masaya siya sa set ng show dahil sa kanyang mga cute na cute na castmates – ang mga dogs! “Excited ako sa Bantatay kasi mahilig talaga ako sa aso. Alam mo ba yung teaser ng Bantatay, yung parang hinahabol ni Bantay si Jennica dun sa ambulance? Naiyak ako dun, promise!" shared Sheena sa isang exclusive interview with iGMA.tv. “Parang feel ko na mag-eenjoy ako dun sa show kasi may pets. Alam mo yung hindi lang artista yung mga kasama mo, mga pets, maaaliw ako. Ang dami nga raw sa set, marami daw sila. Parang sa isang tent, sampung aso," she added. Proud na proud naman siyang magkuwento tungkol sa kanyang beloved pet na si Pepper, isang black Chihuahua, na hindi na bago sa showbiz. “Si Pepper, nag-guest na siya. Nag-Ka Blog na siya, nag-ano pa ba? Marami na siyang ginuestan," kuwento niya. “Pero pinaka-latest [guesting] ni Pepper [is] sa Love ni Mister, Love ni Misis. Kasama ko sina Ate Jolina [Magdangal], mga pet lover din. Sina Jopay [Paguia], ayan." Is there a possibility in the near future na mag-guest din si Pepper kasama ni Sheena sa Bantatay? “Si Pepper, buntis siya ngayon, so hindi siya puwedeng ma-stress," sagot ni Sheena. Sa Bantatay, ang character ni Sheena na si Ming-Ming ay tumutulong sa pet shop. Hindi naman naging mahirap sa kanya ang kanyang role na ito dahil sa kanyang experience sa pag-aalaga ng kanyang mga pets in real life. “Meron din akong Shih-Tzu, ang pangalan niya, Star. Tapos meron din akong Daschund, ang pangalan niya, Giggles. Tapos meron din akong black na Pomeranian Spitz, ang pangalan niya, Coffee," paglalahad niya. “Pero yung pinaka-pet ko talaga, si Pepper, kasi siya talaga yung baby talaga, baby, maysakit, ako talaga yung nag-alaga at saka never ko siyang pina-groom sa iba. Ako lang talaga. Ako lang naggugupit ng kuko niya, naglilinis ng tenga niya, nagtu-toothbrush sa kanya, at saka every night, katabi ko talaga siya," patuloy ni Sheena. Abangan ang mga susunod na magaganap sa Bantatay weeknights bago mag-24 Oras on GMA. - Karen de Castro, iGMA.TV