Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ruffa Mae is Pacquiao’s new leading lady


Ang sexy comedienne na si Ruffa Mae Quinto ang bagong leading lady ni Manny Pacquiao sa gagawin nitong movie na “Wapakman." Ngayon pa lang, naghahanda na raw ang aktres sa mga maglalabasang intriga sa kanila ng tinaguriang ‘pambansang kamao.’ Sa panayam ni entertainment reporter Lhar Santiago, sinabi ni Ruffa Mae na nagulat siya nang matanggap niya ang alok na maging leading lady ni Manny sa pang-film fest movie na “Wapakman." Una kasing napabalita na ang dugong Pinay na si Nicole Scherzinger, lead singer ng grupong Pussycat Dolls, ang magiging katambal ng pound-for-pound boxing champ.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “Supposedly hindi ko nga alam kung gagawa, kung mayroon pa kong movie na gagawin for December kasi nga may mga ‘Darna’ pa. Hanggang sa dumating nga ang offer na napakaganda ayun, wapak!…Wapakman," kuwento ng sexy actress sa Chika Minute portion ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes. Ngayon pa lang, inaasahan na raw ni Ruffa Mae na may mga magsusulputang kontrobersiya kapag nagsimula na silang mag-shoot ni Manny. Kabilang umano sa kanyang mga inaasahang intriga ay palalabasing nagkakamabutihan na sila. Natatakot kaya rito ang dalaga? “Hindi ako natatakot kasi wala, hindi naman, Pasko nga, wholesome," patungkol ni Ruffa Mae sa ‘Wapakman’ na kasali sa Metro Manila Film Festival na ipalalabas sa Disyembre 25. Maging si Manny ay todo depensa rin sa kanyang leading lady. Minsan na raw silang nagkasama ni Ruffa Mae sa isang proyekto kung saan may inindorso silang produkto. “Kaibigan ko si Ruffa Mae at least hindi na kami maiilang sa isa’t-isa sa acting," ayon kay Manny. Tatapusin daw nina Manny at Ruffa Mae ang kanilang mga eksena bago tutulak ang pambansang kamao sa US kaugnay sa nakatakda nitong laban sa Nobyembre. Makakasama rin ni Manny sa “Wapakman" ang dugong Pinoy na wresting champion na si ‘Batista’ (David Michael Bautista), na kanyang magiging mortal na kalaban sa pelikula. - Fidel Jimenez, GMANews.TV