Filtered By: Showbiz
Showbiz

Che Tiongson withdraws civil case vs ex-lover Chavit


Pagkatapos magkasakitan at magpalitan ng maaanghang na salita laban sa isa't isa, nagkasundo rin sa huli ang dating mag-live in partner na sina deputy National Security Adviser Luis "Chavit" Singson at Rachel "Che" Tiongson. Nagharap sina Tiongson at Singson sa Quezon City Regional Trial Court Branch 106 Miyerkules ng umaga (Sept 30) kung saan pormal na inurong ni Tiongson ang civil case na isinampa niya laban sa dating governor ng Ilocos Sur. Matatandaang inakusahan ni Tiongson si Singson ng paglabag sa Republic Act 9262, o The Violence Against Women and Children Act. Isinampa ni Tiongson ang kaso laban kay Singson noong September 2 sa QC RTC. Ito ay matapos bugbugin ni Chavit si Tiongson at ang boyfriend nitong si Richard Catral noong August 23. Sa panayam ng GMA News kay Tiongson, sinabi niyang masakit at mahirap ang naging desisyon niyang iurong ang reklamo laban kay Singson. Pero ginawa niya raw ito alang-alang sa kanilang limang anak na lubha raw naapektuhan sa nangyari sa kanila.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV "Ito yung reconciliation na sinasabi ko. Hindi naman ibig sabihin nun na magkakabalikan kami or ano. For the sake of our children," paliwanag ni Tiongson. Nilinaw rin ni Tiongson na hindi niya inatras ang kaso para maghabol ng financial support mula sa dating gobernador. "No, 'cause we're not married," sambit ni Tiongson. "At saka hindi ko naman hiningi, e. Ang hiningi ko lang yung ano nga, visiting [rights]." Ayon naman kay Singson, wala raw problema ang kahilingang ito ni Tiongson. "Yes, no problem, anytime," sabi niya.- Erwin Santiago, PEP