Filtered By: Topstories
News

Lamang ni Noynoy kay Villar unti-unting nalulusaw


MANILA – Nabawasan ng dalawang puntos ang rating ni Senador Benigno “Noynoy" Aquino III sa pinakabagong survey sa mga presidentiables ng Social Weather Station na ginawa bago matapos ang Disyembre. Sa survey na ginawa noong Disyembre 27-28, 2009, at may 2,100 respondents, bumaba na lamang sa 11 porsiyento ang lamang ni Aquino kay Sen Manny Villar kumpara sa huling survey ng SWS noong Disyembre 5-10 na umabot sa 19 porsiyento. Sa bagong survey na may 2.2 percent margin of error, nakakuha si Aquino, pambato ng Liberal Party ng 44 percent, mas mababa sa 46 percent na nakuha niya noong Dec 5-10. Samantala, umangat naman ng anim na puntos ang standard bearer ng Nacionalista Party na si Villar na may 33 percent mula sa dating 27 percent. Nabawasan man ng isang puntos, nanatili sa ikatlong puwesto si dating Pangulong Joseph Estrada na may 15 percent. Hindi naman gumalaw ang marka nina administration standard bearer Gilberto Teodoro Jr. (5%); Evangelist Bro. Eddie Villanueva (1%); Senator Richard Gordon (0.5%); Sen Ma Ana Consuelo Madrigal (0.4%) at John Carlos delos Reyes (0.4%).
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Okay lang ‘yan Hindi naman umano nababahala ang kampo ni Aquino kahit bumaba ng dalawang puntos ang kanilang manok. Kung susuriin, lumilitaw na matatag umano ang suporta kay Aquino sa mahigit 40 porsiyento. "We are not bothered by the latest survey results because our numbers are stable. it was a slight decrease of one or two percentage points, which is within the statistical margin of error," ayon kay Quezon Rep. Lorenzo Tañada III, tagapagsalita ng LP. “That is very negligible. Villar’s increase does not seem to come from us because as you can see we have a solid base of supporters. We remain at 40 percent and we have yet to start airing our ads," idinagdag ni Edwin Lacierda, tagapagsalita ni Aquino. Aminado naman si Gilbert Remulla, tagapagsalita ng NP, na malaki ang naitutulong ng mga infomercial ni Villar upang maipakita sa publiko ang plataporma ng kanilang kandidato. “Undoubtedly the advertising place a big part in all of this. It really is the most effective means of communication pero yung pag-iikot niya, yung message (niya ang nagdala). It is not just advertising, it is the message that you are trying to put across," paliwanag ni Remulla, kasama sa kandidatong senador ng NP. Kampante umano ang NP na maaabutan na ni Villar si Aquino pagdating ng Marso, at tuluyang mananalo ang kanilang kandidato sa halalan sa Mayo. Nang tanungin kung papaano gagawiin ni Villar ang gastos nito sa mga anunsiyo, sinabi ni Remulla na hindi katulad ng ibang kandidato, sariling pera ni Villar ang ginagastos at hindi bigay ng mga nagpopondo kaya wala umanong dapat bawiin. Si Villar na dating tindero ay naging bilyunaryo sa pinasok na real estate business. – GMANews.TV