Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ruffa Gutierrez forgives Kris Aquino


Na-appreciate raw ng actress/host na si Ruffa Gutierrez ang pagpapakumbaba ni Kris Aquino nang humingi ito ng paumanhin kaugnay sa naging usapin sa umano’y pag-walk out ng una sa kanilang show. Sa panayam ni entertainment reporter Lhar Santiago, sinabi ni Ruffa na tinatanggap niya ang paghingi ni Kris ng paumanhin. Nananatili umanong mahal niya at nirerespeto ang kaibigan pati na ang kanilang co-host na si Boy Abunda. “I do appreciate and accepts Kris apology. Ako naman I’m a very fun and loving individual. And kaibigan ko rin naman si Kris and I have the highest respect for her and Tito Boy," pahayag ni Ruffa sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Humingi ng paumanhin si Kris kay Ruffa nitong Lunes at nilinaw na hindi niya intensiyon na saktan ang damdamin ng kabigan. Inamin naman ni Ruffa na emosyunal siya sa kanilang show noong Linggo dahil iyon na ang huling dalawang episode niya programa. Kasabay nito ay nilinaw ni Ruffa na hindi siya nag-walk out sa show. Inakala lang daw ng aktres na commercial gap na kaya siya tumayo at nagtungo sa dressing room dahil hindi na niya mapigil ang pag-iyak. Kuwento pa ng aktres, halos 15-minuto pa raw siyang nanatili sa kanyang dressing room. Plano pa raw sana ni Ruffa na bumalik sa show ngunit nasira na ang kanyang make-up. Wala na rin umanong problema sa kanyang ina na si Annabelle Rama dahil ito pa raw ang nagsabi sa kanya na patawarin na si Kris dahil nakita nito ang ginawang nagpapakumbaba ang kaibigan. - Fidel Jimenez, GMANews.TV