Filtered By: Showbiz
Showbiz

Manny Pacquiao talks about his cancelled concert in Hawaii


Nagsalita na ang Pinoy boxing icon na si Manny Pacquiao sa nangyaring pagkansela ng kanyang concert sa Waikiki, Hawaii na nakatakda sanang gawin sa March 21 dahil daw sa mahinang ticket sales nito. Sa panayam ni GMA News reporter Lala Roque sa Los Angeles, USA, inihayag ni Manny ang panghihinayang na hindi matutuloy ang kanyang concert para sa kanyang mga kababayan doon. Excited umano ang tinaguriang pambansang kamao na si Manny para sa naturang concert dahil ito rin sana ang unang pagkakataon na magtatanghal siya sa Hawaii. Ngunit kahit hindi natuloy ang concert, sinabi ng kasama ni Manny na si Michael Koncz na posibleng magtungo pa rin doon ang boxing champ.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “He’s looking forward to go in Hawaii because there’s a lot of Filipino working and living there," ayon kay Koncz sa ulat ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes. Idinagdag sa ulat na umaasa umano si Manny na matutuloy pa rin ang pagbiyahe niya sa Hawaii para madalaw ang mga kababayan doon. Idinagdag ni Manny na hindi niya makalilimutan ang naging karanasan niya sa dami ng taong nanood ng laban nila ni Joshua Clottey sa Cowboys Stadium sa Arlington, Texas noong March 14 (araw sa Pilipinas). “Ang ganda stadium tapos ang dami ng tao…hindi ko inaasahan," patungkol ni Manny sa tinatayang mahigit 50,000 tao na nanood sa Cowboy Stadium. Patungkol sa mga patutsada sa kanya ni Floyd Mayweather Jr, sinabi ni Manny na mabuting unawain na lang daw ang ugali ng susunod niyang posibleng makalaban sa ibabaw ng ring. “Intindihan na lang natin yun ang pagkatao niya e, at least mas matalino tayo sa kanya kasi iintindihan natin siya," ayon sa pambansang kamao. - FRJ, GMANews.TV

LOADING CONTENT