Daiana Menezes’ rumored bf Sam YG is now a full-fledged Pinoy
Sa Pilipinas daw balak manirahan ng host/DJ na si Sam YG, na kilala rin bilang “Shivaker" kaya naman daw natural lang na yakapin niya ng lubos ang kanyang pagiging isang Pilipino. Sinamahan ni entertainment reporter Nelson Canlas si Sam sa ginawa nitong panunumpa ng katapatan sa Konstitusyon ng Pilipinas nitong Miyerkules ng umaga na magiging hudyat ng kanyang ganap na pagiging Pilipino. Dating “dual" citizen ni Sam dahil Indian national ang kanyang mga magulang pero dito na siya ipinanganak at lumaki sa Pilipinas. At kung titimbangin kung anong lahi ang higit na nangingibabaw kay Sam, marahil sa itsura ay lutang ang kanyang pagiging Indian pero sa puso ay Pinoy na Pinoy daw ang napapabalitang nobyo ng Brazilian bombshell na si Daiana Menezes.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Nang tanungin si Sam kung bakit hindi nito isinama si Daiana sa panunumpa, nakangiting sagot ng binata sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras na, “I think it’s too early for her to wake up." Pinayuhan din ni Sam ang kontrobersiyal na Bb Pilipinas Universe winner na si Ma Venus Raj, na katulad din niyang may dugong Indian, na ituloy lamang ang ginagawa upang maayos ang problema nito sa kanyang birth record. Binawi ng Binibining Pilipinas Charity Inc. (PBCI) ang korona kay Venus dahil sa magkakaibang tala umano sa birth record nito tungkol sa kanyang pagkatao. Maaari lang umanong ibalik ng BPCI kay Venus ang korona kapag nakakuha ito ng balidong pasaporte ng Pilipinas. Ngunit ayon sa ulat, sinabi ng mga abogado na eksperto sa batas tungkol sa citizenship, na hindi naman kasal ang mga magulang ni Venus kaya awtomatikong makukuha nito ang citizenship ng kanyang ina, na isang Pilipina. – FRJ, GMANews.TV