Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ma Venus Raj, BPCI settle their differences


“All’s well that ends well." Nagkaayos na sina Ma Venus Raj at mga opisyal ng Binibining Pilipinas Charities Inc (BPCI) na naging laman ng kontrobersiya noong nakaraang Marso. Sa panayam ni Chika Minute host Pia Guanio kay Venus via hologram effect sa GMA news 24 Oras nitong Huwebes, sinabi ng beauty queen na nagsimula na siyang mag-training kasama ang iba pang winners sa Bb Pilipinas pageant na ginawa last March. Nagkaroon ng kontrobersiya sa naturang pageant nang bawiin ng BPCI kay Venus ang napanalunan niyang Bb. Pilipinas Universe title dahil sa discrepancies umano sa kanyang birth certificate. At para maibalik kay Venus ang korona, nagtakda ng kondisyon ang BPCI na kailangang makakuha ng Philippine passport ang dalaga.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Kasunod nito ay nagpahayag naman si Venus at abogado niya na dapat ibalik sa kanya ang korona nang walang ibinibigay na kondisyon ang BPCI. Sa ulat ng Chika Minute nitong Huwebes, sinabing nag-aplay na si Venus ng kanyang passport sa Department of Foreign Affairs, at maaari na niya itong makuha sa mga susunod na araw. Batay umano sa mga isinumiting dokumento ni Venus, kumbinsido ang DFA na Pinay ang ina niya kaya awtomatikong Filipino citizen si Venus. Nang tanungin ni Pia si Venus kung safe na bang sabihin na wala na silang samaan ng loob ng BPCI, tugon ng beauty queen, “Wala po, wala po maam." Katunayan ay naghahanda na raw si Venus sa paglaban niya sa Miss Universe pageant na posibleng gawin sa August o September. “Sobrang saya ko po. Nagta-training na po ako with other winners sa BPCI sa training school po pinapadala nila ako," ayon kay Venus na tinawag na amazing ang hologram effect sa ginawang interview. Ipinaliwanag pa ni Venus na kailangan talaga niya ang passport para makabiyahe at makasali sa kompetisyon. - Fidel Jimenez, GMANews.TV