Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ma Venus Raj gets Philippine passport


Nakamit na ni Ma Venus Raj ang tanging kondisyon na ibinigay ng Binibining Pilipinas Charities Inc. (BPCI) para maibalik sa kanya ang inalis na korona noong Marso. Nitong Biyernes ay nakuha na ni Venus ang kanyang Philippine passport sa Department of Foreign Affairs. Ito ang tanging kondisyon sa kanya ng pamunuan ng BPCI para mabawi ang korona niya at matuloy ang paglaban niya sa Miss Universe na gagawin sa USA. Binawi ng BPCI ang korona ni Venus noong nakaraang Marso dahil may nakita umanong inconsistencies sa birth record ng dalaga na tubong-Bicol. (Basahin: Ma Venus Raj, BPCI settle their differences) Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes, sinabi ni entertainment reporter Audrey Carampel, na masayang-masaya si Venues nang matanggap ang kanyang passport.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “Siguro lahat ng nangyari it is a blessing in disguise, na hindi rin po ako magiging ganito kasaya ngayon kung wala akong pinagdaanang mga trials," ayon kay Venus. Taliwas sa inaasahan, sinabi sa ulat na naging madali at mabilis ang naging pagproseso sa passport ni Venus dahil wala naman daw naging problema sa citizenship niya, ayon sa kanyang abogado. Tulad umano ng ibang aplikante, kinailangan lang ni Venus na magpakita ng authenticated birth certificate mula sa National Statistic Office at pagkatapos ay mag fill-up ng application form sa DFA. Naipaalam na raw ni Venus sa pamunuan ng BPCI na nakakuha na siya ng passport. Ngayon ay pagtutuunan daw ni Venus ang gagawing paghahanda sa Miss Universe pageant para katawanin ang Pilipinas. Umaasa at kumpiyansa si Venus na maiuuwi niya ang korona. - FRJ, GMANews.TV