Filtered By: Showbiz
Showbiz

James Yap keeps mum about marital problem with Kris Aquino


Matapos pumutok ang balitang pagkakaroon ng matinding hindi pagkakaunawaan, sinubukan ng media na makuha ang panig ng professional basketball player na si James Yap tungkol sa kalagayan ng pagsasama nila ng television host na si Kris Aquino. Ngunit sa ulat ng Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules, sinabing tumanggi si James na magbigay ng pahayag tungkol sa estado ng relasyon nila ng kanyang asawa. Matatandaan na inamin ni Kris sa kanyang Twitter account noong nakaraang linggo na nagkaroon sila ng matinding hidwaan ni James nangyari noong panahon ng kampanya at hindi pa umano iyon naayos.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Pagkalipas ng ilang araw, muling nag-tweet ang TV host para ipaalam na hindi na siya magiging aktibo sa pag-update ng kanyang account para mapreserba umano ang natitirang privacy ng kanyang pamilya. Inamin din ni Kris na tinawag ng kanyang kuya na si President-elect Benigno “Noynoy" Aquino III ang kanyang atensiyon tungkol sa problema ng kanyang pamilya. Nitong Martes ay kinumpirma ng kaibigan ni Kris na si Boy Abunda, TV host/ talent manager, na dumadaan sa matinding problema ang pagsasama nina Kris at James. Ang naturang sigalot sa pamilya ang itinuturong dahilan kaya hindi umano nakarating si Kris sa proyekto nito na pamimigay ng school supplies sa Cebu. Nauna nang sinabi ng bagong pangulo na hindi siya manghihimasok sa buhay may-asawa ng kanyang kapatid maliban na lamang kung hihingin ang kanyang payo. - FRJ,GMANews.TV