Filtered By: Showbiz
Showbiz

Marriage is not for Kris Aquino, says ex-Archbishop Cruz


Laman ng mga balita ang nanganganib na pagsasama nina Kris Aquino at James Yap. Ngunit para sa isang dating Arsobispo ng Simbahang Katoliko, hindi na umano ito kataka-taka dahil na rin sa personalidad ng sikat na television host. Kung pagbabatayan umano ang nakaraang mga relasyon ni Kris, sinabi ni retired Lingayen-Dagupan archbishop Oscar Cruz, na mahihirapan ang sikat na TV host/actress na makahanap ng lalaki na makakasama niya habang buhay. “She is more for herself than for someone else like a spouse. Meaning to say, she is not someone who kicks herself as a partner to somebody else so that the two of them become one. Marriage is partnership. I give my part, you give your part, and the whole," paliwanag ni Cruz, chair ng Commission on Marriage Tribunal ng Catholic Bishop Conference of the Philippines.


She is more for herself than for someone else like a spouse. Meaning to say, she is not someone who kicks herself as a partner to somebody else so that the two of them become one. Marriage is partnership. I give my part, you give your part, and the whole.
–retired Archbishop Oscar Cruz
Kaagad namang nilinaw ng dating arsobispo sa panayam na ng Veritas Radio nitong Biyernes na hindi niya hinuhusgahan ang pagkatao ni Kris. Ipinaliwanag ni Cruz na ang pananaw niya tungkol sa bunsong kapatid ni Pangulong Benigno “Noynoy" Aquino III, ay batay sa mga nakaraang relasyon ni Kris. “I’m not pronouncing judgment on whether if she is good or bad or whether she is a sinner or a saint, no. I’m not doing that, I’m just talking about her...I repeat based on my experience in the marriage tribunal," pagdiin ni Cruz. Naniniwala rin ang dating arsobispo na higit na makabubuti kay Kris na hindi na mag-asawa o kung magpapakasal man ay hindi nito dapat gawin sa Simbahan. Mas mahihirapan umano si Kris na kumalas sa relasyon kung maikakasal ito sa Simbahan dahil mas mahigpit ang pagproseso ng annulment kumpara sa civil wedding. “I would not advise her to get married in Church, if she wants to married again sa civil na lang para mas mabilis ang annulment," payo ni Cruz bunga na rin ng naging pahayag ni Kris na aasikasuhin nito ang annulment nila ni James. Bago ang inagurasyon ni Aquino noong Miyerkules, sinabi ni Kris na tinutuldukan na niya ang mahigit limang taong pagsasama nila ni James. Nitong Huwebes ay naglabas naman ng pahayag si James na nagsasaad na gusto niyang isalba ang kanilang pagsasama para sa kanilang anak na si Baby James, at Joshua (anak ni Philip Salvador) na itinuring na umano niyang tunay na anak. Bilang sikat na personalidad at kilala na walang itinatago sa publiko tungkol sa kanyang buhay, sinabi ni Cruz na hindi na nagugulat ang publiko sa mga nangyayari kay Kris. “She has always been a public figure and therefore she feels that the public should know what it is all about. I don’t think the girl is somebody who keeps it to herself and let’s not talk about it or keep quiet. She is someone who cannot just keep quiet, that is spontaneous," ayon kay Cruz. “And I do not think the public, knowing her life is shock by this. That she had one man, then second man, she has a child and she has a third fellow, she has a child and then separate. I don’t think it is shocking anymore, and that is Kris, you take it or leave it that is her," idinagdag ng dating arsobispo. - GMANews.TV