Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP: Dra. Belo's camp clarifies botox procedure on Charice


Naging malaking balita sa mga pahayagan, sa telebisyon, sa radyo, sa Internet, at sa iba't ibang social networking sites ang pagsailalim ng Filipino international singing sensation na si Charice sa botox procedure na isinagawa ng celebrity cosmetic surgeon na si Dra. Vicki Belo last Saturday, July 17. Iba't ibang reaksiyon din ang nilikha ng desisyong ito ni Charice. Mayroong mga nakakaintindi at nagpahayag ng patuloy na pagsuporta sa singer. Pero mayroon ding mga bumatikos na nagsasabing napakabata pa ni Charice sa edad na 18 para sumailalim sa botox procedure. Pinag-usapan nga ito hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa Amerika at sa iba pang panig ng mundo. Lumabas pa nga sa isang U.S. magazine na hindi na raw kailangang gawin ito ni Charice dahil tanggap naman ng mga tao ang hitsura niya. Tinangkilik siya sa Amerika dahil sa kanyang angking talento. Dahil sa mga batikos ay nag-react na rin ang isang rep ni Charice. Sa isang artikulo na lumabas sa website ng Us magazine, na may titulong "Rep: Charice Did Not Get Botox To Make Her Face Narrow", itinanggi ng isang rep ni Charice na nagpa-botox ang Pinay singer "to change her appearance." Ayon sa rep ni Charice, ang dahilan ng procedure na ginawa sa 18-year-old singer ay "to relieve a jaw problem similar to TMJ." (Basahin: Vicki Belo criticized over Charice botox issue) Sabi pa ng rep sa Us interview nito: "It did not hurt; it relieved the pain. You've seen her face—she doesn't have a wrinkle in it so she wouldn't need it for cosmetic purposes. The Glee people are thrilled with the way she looks which is why she got the part." BELO CLEARS THE ISSUE. Sa naunang artikulong lumabas dito sa PEP, ipinaliwanag ni Dra. Belo na safe naman ang botox procedure dahil corrective measure lang ang ginawa niya kay Charice. Hindi nga raw ito maituturing na retoke dahil wala namang binawas o idinagdag sa mukha ni Charice. Ginamit daw ang botox para ma-relax ang muscles sa mukha ni Charice lalo na sa may jaw area at nang mabawasan ang pagbilog ng pisngi niya na dulot ng madalas daw nitong pagnguya ng chewing gum. Ayon kay Dra. Belo, "I don't consider this as a makeover kasi from the beginning, I think people like the way she looks and even abroad tanggap na yung looks niya. Kasi for me, when you say makeover, nandun na yung noselift, deep-set the eyes, ganun. E, wala nga kaming in-enhance, inayos lang namin kasi yung muscles niya sa face na hindi naman ginalaw or even undergo surgery, ginawa lang namin compact yung muscles niya. Binabalik lang namin how she originally look three years ago na hindi pa ganun kalaki yung face niya. There might not be a big difference for people to notice, but sa camera, it will make a big difference kasi yung camera nagpapa-widen siya." Dahil nga sa mga negatibong komento at batikos kay Charice ay sinubukan ng PEP na humingi ng statement kay Dra. Belo. Ayon sa aming nakausap mula sa kampo ni Dra. Belo, ayaw na sana nilang palakihin pa ang isyung ito. Gayunpaman, isang text message pa rin ang ipinadala nila sa PEP bilang paglilinaw sa isyu. Ayon sa text, "Because they thought the botox done on Charice is for anti-aging. It was a corrective, non-surgical procedure." Dahil ang pagiging bata pa nang sumailalim sa botox ang numero unong tinutuligsa ng mga bumabatikos kay Charice, nilinaw ng kampo ni Dra. Belo na hindi raw anti-aging procedure ang ginawa sa singer. Hindi raw dapat maging isyu ang edad nito. Sa may bandang panga lang ni Charice in-inject ang botox, tatlong injections sa bawat side, kung saan naroon ang muscles na dapat i-relax. Bukod dito, wala na raw ibang parte ng mukha ni Charice ang sumailalim sa botox. "Totally safe and no side effects" din daw ang botox procedure na ginawa kay Charice kaya hindi raw ito nakaapekto sa pagkanta niya. Sa katunayan, ilang oras pagkagaling ni Charice sa Belo Clinic ay nakapag-perform pa ito sa kanyang concert na ginanap sa Eastwood, Libis. Nasundan pa ito ng iba pang special shows hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa iba pang bansa sa Asya na bahagi ng Asian tour ni Charice para sa promotion ng kanyang US self-titled debut album kung saan kabilang ang hit song niyang "Pyramid." BOTOX RESEARCH. Ayon sa www.botoxforum.com, mas nakilala o naging pamilyar ang mga tao sa aesthetic at anti-ageing benefits ng pag-i-inject ng botulinum toxin type A—o mas popular bilang Botox—sa pamamagitan ng pagtatanggal ng wrinkles, frown lines at iba pang linya sa mukha na senyales ng pagtanda. Pero bukod dito, ang botox ay puwede ring gamitin bilang treatment sa ilang health conditions gaya ng "migraines, hyperhidrosis o excessive sweating especially in the underarms, bladder problems and incontinence, and muscle spasms." Base sa impormasyong nakuha namin sa www.wikipedia.org, ang kondisyon ni Charice ay maika-classify bilang "Bruxism." "Bruxism is characterized by the grinding of the teeth and is typically accompanied by the clenching of the jaw. Some bruxism activity is rhythmic (like chewing), and some is sustained (clenching). Bruxism can also be regarded as a disorder of repetitive, unconscious contraction of the masseter muscle (the large muscle that moves the jaw)." Sa kaso ni Charice, ang itinuturo ngang dahilan ng pagbilog ng pisngi niya ay dahil sa contractions ng muscles niya sa may jaw area dulot ng madalas niyang pagnguya ng chewing gum. Isa raw sa treatment sa bruxism ay ang pag-i-inject ng botox. Ayon sa wikipedia, "In the treatment of bruxism, Botox works to weaken the muscle enough to reduce the effects of grinding and clenching, but not so much as to prevent proper use of the muscle. The procedure involves about five or six simple, relatively painless injections into the masseter muscle." Sa kaso ni Charice, tatlo sa bawat side ng mukha for a total of six injections ang ibinigay na dosage sa kanya ni Dra. Belo. Ilan daw sa mga symptoms na maisasaayos ng botox procedure ay "grinding and clenching, morning jaw soreness, TMJ (temporomandibular joint) pain, muscle tension throughout the day, migraines triggered by clenching, neck pain and stiffness triggered by clenching." - Glen P. Sibonga, PEP